Jonalyn Viray, inaming 70K ang buwanang budget ng inaalagang mga aso at pusa!

Jonalyn Viray, inaming 70K ang buwanang budget ng inaalagang mga aso at pusa!

Masarap talaga sa pakiramdam kapag kumikita na tayo ng sariling pera kaya natural lamang na ilaan natin ito para sa ating sarili o hindi kaya’y suklian ang sakripisyo ng mga tao na nasa likod ng tinatamasa nating tagumpay ngunit para kay Jonalyn Viray na isa palang “animal lover,” talagang may nakalaan na malaking budget ang kanyang mga alagang hayop.

Credit: @jona Instagram

Hindi talaga biro ang pagiging isang celebrity lalo na ang pagiging isang singer ngunit para sa mga taong may natural na talento sa larangan ng pag-awit, tila’y effortless lamang para sa kanila ang ginagawa ngunit ipinangako ni Jonalyn Viray sa sarili na mas pagbubutihin pa niya ang kanyang trabaho dahil hindi umano kailangang mawalan ng budget ang kanyang lumalaking pamilya ng mga aso at pusa.

Kung karamihan sa atin ay kumakayod sa trabaho upang masuportahan ang pamilya o hindi kaya’y mabili ang lahat ng gusto para sa sarili, tila’y mayroon namang ibang priority ang Kapamilya singer na si Jona dahil nauuwi lang naman ang kanyang 70K buwan-buwan para sa alaga niyang mga aso’t pusa.

Credit: @jona Instagram

Marahil ay marami sa inyo ang nagtataka kung bakit ganoon na lamang kalaki ang gastos ni Jona sa kanyang inaalagang hayop at ito ay dahil umabot lang naman ng 70 ang lahat ng mga aso at pusa na kasalukuyan niya ngayong kinukupkop!

Sa ekslusibong interview kay Jonalyn ng Bandera, ikinuwento ni Jona na hindi pa kasali sa 70K niyang budget kada buwan ang gastos niya sa pagpapa-check up sa mga ito. Dahil sa malaking pera na kinakailangan niya para sa inaalagaang mga aso’t pusa, inspired at motivated si Jona na doblehin pa ang pagkayod niya sa trabaho upang matustusan ang pangangailangan ng mga ito.

Credit: @jona Instagram

Ayon kay Jona, malapit talaga sa kanyang puso sa mga hayop kaya talagang inaalagaan at kinukupkop niya ang na-rescue na mga ligaw na aso at pusa nang walang hinihinging kapalit.

“Ang fulfillment ko po na nakukuha ko rito ay ‘yung siguro po, napa-practice ko ‘yung simpatya at empathy natin hindi lang sa mga tao kundi pati sa ibang creatures,” saad ni Jona.

Dagdag pa niya, “Kasi kumbaga, sila ‘yung kino-consider natin na voiceless na creatures, ‘di ba? So, sino pa ang tutulong sa kanila kundi tayong mga tao na marunong mag-isip at may puso for those kind of creatures.”

Credit: @jona Instagram

Kahit na’y aminadong single man ngayon, kuntento naman si Jonalyn Viray sa buhay niya ngayon lalo na sa piling ng kanyang mga alagang aso at pusa na nakakapagbigay sa kanya ng “unconditional love.”

Ysha Red

error: Content is protected !!