Joshua Garcia at Ivana Alawi, muli na namang pinakilig ang kanilang fans!

Joshua Garcia at Ivana Alawi, muli na namang pinakilig ang kanilang fans!

Dahil sa napakalakas nilang chemistry, sino ba naman ang hindi kikiligin kay Joshua Garcia at Ivana Alawi?

Credit: @ivanaalawi Instagram

Dahil sa magkakasunod na projects ng aktor, marami na siyang nakatambalan at lahat naman sa kanila ay talagang pumatok sa netizens, ngunit sadyang kakaiba rin ang kilig na naibibigay nila ni Ivana na kumakailan lamang ay umamin na may ‘crush’ siya sa aktor!

Sa isang interview kasama si Ogie Diaz, inilarawan ni Ivana ang impressions niya kay Joshua at inaming minsan na silang nagpalitan ng mga mensahe.

“Cute ‘yung mukha at saka mabait siya. Nakita ko para family-oriented. Pero hindi ko masabi kasi ‘di ko pa siya nami-meet personally,” ayon kay Ivana.

Credit: @garciajoshuae Instagram

Sa ginanap na mediacon ng pinagbibidahan niyang teleserye ngayon na “Viral Scandal” kung saan ay kasama niya si Charlie Dizon, ipinahayag ni Joshua kung gaano siya kasaya sa paghangang nararamdaman ni Ivana para sa kanya.

“Kapag may humahanga sa ‘kin, nakakadagdag ng confidence ‘yun para sa lalaki. ‘Di ko alam reaction ko,” ayon kay Joshua.

Dagdag pa niya, “I’m open maging kaibigan, okay lang sa ‘kin.”

Kaagad naman na nakaramdam ng kilig ang fans ng aktor at Pinay vlogger. Sa katunayan, marami sa kanila ang nagshi-ship sa dalawa lalo na’t super lakas ng kanilang chemistry!

Credit: @ivanaalawi Instagram

Ngunit hindi lamang dito nagtatapos ang pagpapasabog ng kilig ni Joshua at Ivana dahil kumakailan lamang nang napasabak sa “Truth or Dare” ang aktor kasama sina Alora Samsam at Darla Sauler. Isa na nga sa ipinagawa ng hosts kay Joshua ay ang pagtanong niya kay Ivana ng “Jojowain o Totropahin”.

Nang sinagot ng vlogger ang tawag ni Joshua, hinimok niya si Ivana na mangimbita sa mga manonood na tumulong sa mga biktimang nasalanta ng bagyong Odette. Matapos ang usapan ng dalawa, muli na namang kinulit ni Darla at Alora ang aktor na tanungin si Ivana kung gusto ba raw nito na maging boyfriend o kaibigan si Joshua.

Kahit na’y nahihiya at nagdadalawang-isip, walang nagawa si Joshua kung hindi pagbigyan ang hosts at sa wakas ay tinanong nga si Ivana ng “Ako, jojowain o totropahin?”

“Secret,” natatawang sagot ni Ivana.

Credit: @garciajoshuae Instagram

“Ah, secret. Sabagay,” saad naman ng aktor at hiniling ang mabilis na recovery ni Ivana at ng pamilya nito na matatandaang naka-isolate ngayon dahil sa pagiging positibo nila sa C0vID-19.

Sumab0g naman ang tawanan at kilig nina Darla at Alora matapos ibaba ni Joshua ang tawag nila ni Ivana. Kumalat din ang video nilang ito sa Tiktok kung saan ay umani ng iba’t-ibang positibong komento galing sa kanilang fans.

Talagang kilig overload!

Ysha Red

error: Content is protected !!