Joshua Garcia, napasabi ng “krazy” nang mabalitaan ang ginawa ng isang eatery sa ginamit niyang utensils

Ano nga ba ang meron sa kutsarang ginamit ni Joshua sa isang lokal na eatery at labis ito ngayong pinag-aagawan ng netizens?
Credit: Antonio Junior Pares-Lugaw Eatery Facebook
Habang nasa kalagitnaan ng kanilang taping sa inaabangang teleserye na “Darna,” nag-dine in si Joshua kasama ang kanyang kapwa aktor na si Jeffrey Santos sa isang eatery sa San Jose De Monte, Bulacan habang pareho silang nakasuot ng police uniform. Sino nga ba ang mag-aakala na ang simpleng pagkain ni Joshua sa Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery ay kaaaliwan at kagigiliwan ngayon ng netizens?
Sa bibihirang pagkakataon na ito, talagang walang pinalagpas ang may-ari ng nasabing eatery dahil ibinahagi talaga nila sa kanilang official na Facebook account ang iilang larawan na kuha nila sa mga aktor nang kumain ang mga ito sa kanilang eatery kasama ang larawan ng ginamit na pinggan at utensils ni Joshua.
Mula sa isang simpleng kutsara, nagmistulan na ngayon itong treasure at memento ng Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery. Kaya naman nang ibinalita ng admin sa kanilang Facebook page sa mismong comment section ng parehong post na ibinebenta na nila ito, marami ang nagpakita ng interes at pabirong nag-offer ng malaking halaga ng pera.
Credit: Antonio Junior Pares-Lugaw Eatery Facebook
“hm po?? HAHAHAHAH”
“mine ko na to 100k HAHAHAHAHA CHAROT.”
“Paki tabi po ng spoon na ginamit ni Joshua, gagamitin ko po kapag kumain ako dyan wag niyo na po hugasan hahaha”
Credit: Antonio Junior Pares-Lugaw Eatery Facebook
Dahil sa atensyong nakuha ng kutsarang ginamit ni Joshua sa isang eatery sa Bulacan, umabot na ito sa news hanggang sa aktor kung saan ay tanging “Krazy 😳” lamang ang kanyang reaction.
Inulan naman ng nakakatawang komento ang pag-retweet ni Joshua sa mismong ulat ng News5 kung saan ay featured ang pagiging relic ng kanyang ginamit na kutsara sa isang lokal na eatery sa Bulacan.
“krazy talaga.. pero magkano ba? LOL”
Credit: Antonio Junior Pares-Lugaw Eatery Facebook
“Ay maski ako baka hindi ko na rin hugasan yan. Ipe-preserve ko yung laway mo HAHAHAHA”
“grabe naging golden spoon yata nung ginamit ni joshua haha”
“Sana all kutsara @iamjoshuagarcia 😘”
Credit: Antonio Junior Pares-Lugaw Eatery Facebook
Isa sa mga sikat na aktor sa industriya ng showbiz ngayon, talagang rare ang pagkakataon na personal na ma-meet o masilayan man lang si Joshua kaya naman nang nagpunta at kumain sa isang eatery, talagang determinado ang may-ari na i-preserve at gawing memento ng kanilang business ang kutsarang ginamit ng aktor.