Joshua Garcia, to the rescue nang masira ang suot na dress ng kanyang on-screen partner na si Jane de Leon sa gitna ng isang Christmas show

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagyakap ng aktres na si Jane de Leon sa kanyang on-screen partner na si Joshua Garcia sa katatapos lamang na ABS-CBN Christmas special.
Credit: @imjanedeleon Instagram
Huling-huli sa camera ang ‘kilig moment’ sa pagitan ng dalawa sa grand finale ng Kapamilya Christmas Special na napanood ng marami noong December 18.
Marami ang kinilig sa performance nina Jane at Joshua lalo pa’t umaapaw ang kanilang chemistry on-screen. Sa closing number, makikitang masayang kumakanta sina Jane at Joshua sa Christmas ID ng kanilang istasyon na “Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa”.
Sa umpisa, magkatabi lang na nakatayo ang dalawa habang kumakanta. Gayunpaman, noong malapit nang matapos ang palabas, agad na napansin ng mga manonood na nakayakap si Jane sa leeg ni Joshua.
Credit: @garciajoshuae Instagram
Aakalain mong natural lamang ang pagyakap ni Jane kay Joshua na ikinagulat ng marami. Naghatid din ng kilig sa kanilang mga tagahanga ang pagyakap ni Jane kay Joshua lalo na at bagay na bagay talaga ang dalawa.
Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, may iba palang dahilan kung bakit kinailangang yakapin ni Jane si Joshua sa sandaling iyon na ibinunyag niya isang araw matapos ang kanilang show at mag-viral ang kanilang mga larawan.
Sa isang post sa Twitter noong nakaraang Disyembre 20, nagpasalamat si Jane kay Joshua sa pag-rescue sa kanya dahil nga nakaranas siya ng wardrobe malfunction.
Ani Jane, “Thank you @iamjoshuagarcia for helping me cover my wardrobe malfunction!”
Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube
Mapapansin nga sa palabas na ipinatong ni Jane ang kanyang mga kamay sa kanyang damit. Gayundin, habang yakap-yakap si Joshua, ang isang kamay ni Jane ay nasa kanang bahagi ng kanyang damit kung saan naputol pala ang strap ng kanyang magandang green cocktail dress.
Samantala, matapos malaman ang tunay na dahilan sa likod ng pagyakap ni Jane kay Joshua, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa aktor. Komento ng netizens:
Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube
“Isip pa ako ng isip kung bakiiiiit eh, may rason naman palaaa. Pero kinilig pa din ako eh”
“Awww~ Yung ambilis ng response niya, automatic yung pag cover niya, tapos sa dulo, hinarang niya full body niya.”
“Omg joshua ang sweet mo nmn kaya gusto kita eh… Smiling face with heart-shaped eyes Bagay kau ni jane”
Credit: ABS-CBN Entertainment YouTube
Magiging magkatambal sina Jane at Joshua sa upcoming “Darna” TV series na malapit nang mapanood sa Kapamilya network.