Judy Ann Santos, may nakakaaliw na greeting para sa matalik na kaibigan na si Beth Tamayo sa kaarawan nito

Bibihira ang makahanap ng totoong kaibigan sa industriya ng showbiz pero para sa sitwasyon nina Judy Ann Santos at Beth Tamayo, nagawa nilang matagpuan ang tunay na pagkakaibigan sa isa’t-isa.
Credit: @officialjuday Instagram
Sa paglipas ng panahon at ngayon ay may kanya-kanya ng daang tinatahak, hindi ito naging hadlang para kay Judy Ann at Beth Tamayo na panatilihin ang kanilang komunikasyon. Malayo man ngayon sa isa’t-isa, patuloy namang matatag ang friendship ng dalawa.
Martes, September 21 nang ipinagdiwang ni Beth ang kanyang ika-43 na kaarawan. Sa espesyal na araw ng dating aktres, binati siya ng mabuting kaibigan na si Judy Ann o kilala ng karamihan sa palayaw nitong “Juday” ng maligayang kaarawan sa pamamagitan ng pagbabahagi ng isang nakakaaliw na video sa Instagram kung saan ay makikitang masayang sumasayaw at kumekembot si Beth sa pampublikong lugar kalakip ng mga larawan nilang dalawa.
Credit: @officialjuday Instagram
“My forever ride or d!e buddy.. ❤️❤️ Happy birthday kabetchi! 😘,” sulat ni Juday sa kanyang caption.
Pagbibiro pa ni Juday, bukod sa pagka-miss niya sa kaibigan, mas nami-miss umano niya ang galawan ni Beth pagdating sa pagsayaw.
“Pero mas miss ko tong mga kendeng mong ganito 😝 @bethtamayo21,” sabi ni Juday.
Sa comment section ay nag-reply naman si Beth kay Juday ng, “Haha! Ang saya ng kendeng ko! Love you so much Kabetchi ko!”
Credit: @officialjuday Instagram
Marami namang kapwa celebrities at fans ang bumati at naaliw sa video na ibinahagi ni Judy Ann kung saan ay matutunghayan ang “dance moves” ni Beth.
“Awwww 😍 love love,” komento ni Vina Morales.
“Blessed bday Beth! Congrats for having a beautiful baby,” sabi naman ni Gladys Reyes.
Binati rin ng asawa ni Juday na si Ryan Agoncillo si Beth: “Happy Birthday Kambal❤️”
Credit: @officialjuday Instagram
May mga pamilya at marami man ang nagbago sa kanilang mga buhay, makikita pa rin ang pureness sa pagkakaibigan at pakikitungo ni Juday at Beth sa isa’t-isa. Talagang walang kahit anong rason ang makakapagguhit ng distansya sa puso ng magkaibigan na siyang hinangaan ng netizens.
Kasama ang pamilya sa America sa kanyang espesyal na araw, wala ng mas isasaya pa si Beth Tamayo!