Judy Ann Santos patungkol sa mamahaling mga bag: “Nanghihinayang ako sa pera”

Judy Ann Santos patungkol sa mamahaling mga bag: “Nanghihinayang ako sa pera”

Masarap magkaroon ng mamahaling gamit. Para sa iba ito ay investment, sa iba naman ay achivement. Pero meron din namang iba na kahit kaya bumili ng mamahaling gamit mas pipiliin nilang maging praktikal. Kung pagiging praktikal sa buhay isa si Judy Ann Santos sa mga iyon.

Credit: @officialjuday Instagram

Kamakailan, nagkaroon ng interview si Judy Ann sa Pep.ph, tungkol sa pagbili ng mga luxury bags.

Ayon sa aktres, “Mahilig ako, pero hindi ko kayang bumili. I mean, hindi kaya ng puso ko, nanghihinayang ako sa pera. Kasi bag lang siya. Puwede naman ako sa bayong, o katsa bag, o sa eco bag.”

“Kaya ko bumili ng branded na bag basta installment,” masaya niyang sinabi.

Credit: @officialjuday Instagram

“Iba-iba lang talaga tayo. Pero sa akin…bibili nalang ako ng pagkain, or ipaga-gas ko nalang ito sa sasakyan,” dagdag nito.

Ayon sa aktres, meron lamang siyang dalawang mamahaling bag na maipagyayabang. Ito ay ang kaniyang isang Hermès brown carryall, at itim na Chanel classic flap bag. Isa sa mga kundisyon ni Judy Ann sa pagbili ng kaniyang gamit ay kung ito ba ay mapapamana nya sa kaniyang mga anak. Sa pagbili naman ng bag ito ang kaniyang mga kundisyon: ito ay installment, kasya lahat ng gamit, at neutral ang kulay.

Credit: @officialjuday Instagram

“May binili akong Hermès na bag. Tinanong ko [kung] pwede ba ‘tong installment. O pwede, so check. Tinignan ko muna kung kasya yung mga gamit ko. Kasya—o, check. Anong kulay? O, brown. Check na check! Napaka-neutral ng color niya: Kahit anong suot ko, pwede siya kasi hindi naman ako mapormang tao. Kailangan ko ng very neutral na bag,” sey niya.

“Ang mahal mahal naman kasi. P400,000 para sa isang bag—Panginoong Diyos ko naman! Ang daming grocery na nun, ang daming truffle oil na nun,” masaya niyang sinabi.

Credit: @officialjuday Instagram

Dahil sa paniniwala ni Judy Ann pagdating sa mga mamahalin na bag ay marami pa ang mas humanga sa aktres sa pagiging masinop sa pera, praktikal at wais na mommy.

Ysha Red

error: Content is protected !!