Julia Montes, inaming “yes” ang isasagot niya kapag niyaya siyang magpakasal ng lalaking nagpapatibok ng kanyang puso

Julia Montes, inaming “yes” ang isasagot niya kapag niyaya siyang magpakasal ng lalaking nagpapatibok ng kanyang puso

Tikom ang bibig ng Kapamilya actress na si Julia Montes sa tuwing pag-uusapan ang kanyang love life, subalit sa isang panayam para sa latest issue ng Mega Entertainment, kinumpirma nitong siya nga ay masaya ngayon at in love.

Credit: @montesjulia08 Instagram

Sa nasabing panayam nakiusap ang aktres na huwag nang pangalanan ang lalaking nagpapaligaya sa kanyang buhay.

“Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret. We just chose this path kasi we both believe na, ‘Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong ‘to na magulo. ‘Wag na nating paguluhin pati ‘yung atin,” pahayag ni Julia sa panayam ni G3 San Diego.

Credit: @montesjulia08 Instagram

Hindi man nagbanggit ng pangalan ang aktres ay pinaniniwalaang ang Teleserye King ng ABS-CBN na si Coco Martin ang kanyang tinutukoy.

“There’s nobody… It’s just a personal choice. Personal choice namin ‘yun. And for us kasi talaga, naniniwala kami kapag ano kasing nandiyan, sis!rain. Kapag hindi kayo, kapag magka-love team kayo, gustong maging kayo. Kapag kayo, pagsis!rain kayo. So, might as well, ‘O, anong alam niyo?’ Okay, kung anong alam niyo, okay po. ‘Yun na lang,” paliwanag ni Julia.

Credit: @montesjulia08 Instagram

Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin o nagdedeny sina Coco at Julia sa tunay na estado ng kanilang relasyon kahit pa ilang beses na silang nakitang magkasama tulad na lamang nitong nagdaang Marso kung saan kumalat ang mga litrato nila na kuha sa airport at sa isla ng Boracay kasama ang ilan nilang kapamilya at kaibigan.

Credit: @montesjulia08 Instagram

Kung bakit hanggang ngayon ay hindi ipinapakilala ni Julia sa publiko ang maswerteng lalaki na kanyang tinutukoy ay dahil mas okay daw ang ganitong set-up para iwas pressure at intriga.

Inamin din ni Julia na dahil sa relasyon niya ngayon ay mas naging open pa siya sa kanyang nararamdaman.

Credit: @montesjulia08 Instagram

“Siguro ‘yun pala ‘yung pakiramdam na inaalagaan ka naman. Hindi lang ikaw ‘yung nagbibigay ng love. Meron ka nang nare-receive na love. Mas naging expressive ako,” wika nito.

“Dati kasi meron pang, ‘Baka isipin naman masyado akong ano.’ Or sa family ko, minsan–dahil nakalakihan namin na hindi kami sweet, ngayon mas sweet ako dahil sa love. So, ang laki ng difference,” dagdag pa nito.

Credit: @montesjulia08 Instagram

At nang tanungin kung ano ang isasagot niya kapag niyaya na siyang magpakasal ng nagpapatibok ngayon sa kanyang puso, isang mabilis na “Yes, of course! I will not protect it naman if hindi,” ang sagot ni Julia.

Ysha Red

error: Content is protected !!