Juliana Palermo, ini-reveal ang halaga ng kanyang isinuot na wedding gown na nabili niya online!

Pinatunayan ng dating aktres na si Juliana Palermo na ang pagkakaroon ng napakamahal na wedding gown ay hindi batayan para maging memorable ang kasal ng isang babae.
Credit: @itsjulianapalermo Instagram
Ito ay matapos niyang ibunyag na mas pinili niyang magsuot ng isang wedding gown na nagkakahalaga lamang ng P5K kaysa sa mga wedding gown na nagkakahalaga ng halos 100K.
Sa isang panayam sa PEP, sinabi ni Juliana na ang presyo ng kanyang wedding gown ay hindi mahalaga sa kanya. Dahil sa huli, pinili niyang magsuot ng isang gown na perpekto lamang para sa kasal nila ng kanyang asawang si Joel Crabtree.
Credit: @itsjulianapalermo Instagram
Malaking rebelasyon nang ibinahagi ni Juliana na sa isang online mall lamang niya nabili ang suot niyang gown sa kasal nila ni Joel noong August 27 sa Cancun, Mexico.
Sa kanyang Instagram account, makikitang naglakad si Juliana patungong altar suot ang isang classic white mermaid wedding gown.
Credit: @itsjulianapalermo Instagram
Ibinunyag ni Juliana na sa dami ng mga pinagpilian niyang wedding gown online, na ang isa ay umabot pa sa halagang 75K pesos, mas pinili pa rin niya ang nasabing gown.
“Online lang, I just ordered it… I ordered so many gowns online and tried them on. And then, I decided that one kasi it’s not too much of a bridal [gown], you know. And it’s not very simple, but it’s also not very pang-church wedding,” pagbubunyag niya.
Credit: @itsjulianapalermo Instagram
Idinagdag niya, “It was ranging from PHP75K, ‘tapos may PHP50K. ‘Tapos alam mo, yung sinuot ko? PHP5K! Yun yung mga tinignan ko. Yung pinaka-mahal na tinignan ko was PHP75K. Maganda talaga yun, but it didn’t feel organic.”
Samantala, sa kabila ng pagsusuot ng isang gown na nagkakahalaga lamang ng P5K, napakaganda at stylish pa rin ni Juliana sa araw ng kanyang kasal.
Espesyal nga naman para sa bawat babae ang araw ng kanyang kasal. Ngunit sabi nga nila, gaano man kamura o kamahal ang iyong susuotin sa araw ng iyong kasal, hindi na ito mahalaga.
Credit: @itsjulianapalermo Instagram
Dahil ang totoong importante ay ang sakramento ng kasal at ang pagsusumpaan ng dalawang taong nagmamahalan hindi lamang sa harap ng mga tao ngunit higit sa lahat ay sa harap ng Diyos.
Lingid sa kaalaman ng lahat, sina Juliana at Joel ay may isa nang anak na si Jack Alexander. Habang si Juliana ay may isa pang anak sa kanyang dating relasyon na si Ace Christian.