Julie Anne San Jose, proud na na-feature siya sa isang malaking billboard sa New York sa Amerika

Julie Anne San Jose, proud na na-feature siya sa isang malaking billboard sa New York sa Amerika

Isang Filipino artist ang bumida sa iconic Times Square sa New York City at lumabas sa billboard ng music streaming platform na Spotify. Ito ay walang iba kundi ang Kapuso artist na si Julie Anne San Jose.

Credit: @myjaps Instagram

Kabilang ang actress/singer sa mga female artists sa buong mundo na itinampok ng Spotify sa “EQUAL” campaign nito na naglalayong itaguyod ang katuwiran ng mga kababaihan sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanilang talento.

Isang dream come true ang pagkakataong ito para sa mga artist na tulad ni Julie Anne kaya masaya niya itong inihayag sa Twitter.

Credit: @myjaps Instagram

“TIMES SQUARE, NEW YORK BABYYYY!!! Just.. SURREAL. Big thank you Spotify! This is a dream come true,” Ani Julie Anne.

Credit: @myjaps Instagram

Pinasalamatan n’ya din ang mga tao sa likod ng kanyang tagumpay kabilang na din ang kanyang home network.

“GMA Network, Universal Records Philippines fam, friends and my loving supporters, we made it! Praise God!”

Credit: @myjaps Instagram

Si Julie Anne din ang mukha ng EQUAL Philippines’ playlist, kung saan tampok ang kanyang bagong awiting pinamagatang “Free” at ang rendition ng awiting ” You Are My Everything”.

“Join me as we empower women on Spotify,” ani Julie Anne. “Let’s celebrate women no matter the day.”

Credit: @myjaps Instagram

Hindi lamang ang kanyang billboard sa New York City ang nagpapakita ng kanyang tagumpay kundi maging ang kanyang single na umabot na sa higit 85,000 streams sa Spotify. Patunay lamang na marami ang sumusuporta sa husay ng actress/singer.

Credit: @myjaps Instagram

Sa katunayan nang unang ilabas ang awiting “Free” ay napansin na ng mga fans ang potensyal nito at marami ang humihiling na mabigyan ng pagkakataon si Julie Anne na makilala sa buong mundo na siya namang nangyari dahil ang awiting Free ay napabilang sa EQUAL Global playlist na kasabayan ng mga awitin nina Doja Cat, Ariana Grande, David Guetta, at iba pang international artists, kaya naman lubos ang kasiyahan at karangalan ni Julie Anne sa pagkakataong ito na nabigyang pansin ang kanyang husay.

Credit: @myjaps Instagram

Ang nasabing awitin ay hindi lamang inawit ng actress/singer kundi siya din ang sumulat kasama sina Eduardo Gonzalez at Denise Pimping.

Ysha Red

error: Content is protected !!