Kalookalike ni Jericho Rosales na si Kuya J, patuloy nang umaangat sa kasikatan!

Kalookalike ni Jericho Rosales na si Kuya J, patuloy nang umaangat sa kasikatan!

Sino ba ang mag-aakala na ang noo’y ordinaryong buhay ng isang lalaki sa Monkayo, Davao De Oro ay magkakaroon pala ng napakagandang twist dahil lamang sa simpleng pagsang-ayon niya na kunan siya ng picture?

Credit: Hyobz Perez Facebook

Marami na tayong nasasaksihang kuwento ng isang tao na umaangat sa kasikatan matapos ang phenomenal na pag-viral nila sa social media ngunit hindi pa rin talaga tayo tuluyang nasasanay sa tuwing may umuusbong na ganitong storya katulad na lamang sa nangyari kay Junrey Baug kumakailan lamang na matatandaang pinagkaguluhan at kinaaliwan ng netizens dahil sa matindi niyang pagkakahawig sa sikat na aktor na si Jericho Rosales!

Hindi lamang sa isang certain na angle ang pagkakahawig ng dating construction worker na si Junrey Baug o kung tawagin ng karamihan ngayon bilang si Kuya J o “Jericho Rosales Version 2.0” dahil mula mata, ilong, hugis ng mukha, at buhok ay kuhang-kuha lang naman niya dahilan kung bakit halos hindi magkamayaw ang netizens na ipagkumpara siya sa gwapong celebrity na si Jericho Rosales.

Credit: Hyobz Perez Facebook

Dahil sa atensyong naaagaw ngayon ng ka-lookalike ni Jericho Rosales, nakaka-attract si Kuya J ng napakaraming opportunities, projects, at endorsements. Sa katunayan, kakapirma lamang niya ng contract bilang endorser ng Lipogen Health and Wellness at Shiro Skincare.

Maliban sa initial na mga larawang pinagkakaguluhan ngayon ng netizens na in-upload ng kanyang manager na si Hyobz Perez, muli na naman kinaaliwan ng netizens ang bagong mga larawan ni Kuya J na kasalukuyan ngayong kumakalat na unang ibinahagi ng Bryan Jay Photography sa Facebook.

Credit: Hyobz Perez Facebook

Ayon sa admin ng Bryan Jay Photography page, wala umano silang idea kung sino ang kukunan nila ng larawan dahil para sa isang endorsement shoot ng kompanya kaya nang nalaman na ang trending na lookalike ni Jericho Rosales pala ang modelo, hindi nila naiwasang magulat.

“God has always full of surprises!! We did not have any idea for Yesterday’s shoot. We were just told by the company that we will be doing a product endorsement shoot. On the location site we were surprised when the owner of the company told us that their product model endorser is actor Jericho Rosales look alike who is trending in social media,” kuwento ng Bryan Jay Photography kalakip ng ibinahagi nilang mga larawan ni Kuya J kung saan ay makikita itong gwapo na nakahilig sa may pintuan na tiyak talagang mapagkakamalan na si Echo!

Credit: Hyobz Perez Facebook

Dahil sa unti-unting pag-angat ni Kuya J sa kasikatan, marami ngayon sa netizens ang nag-aabang sa pagbuo nito ng sarili niyang pangalan sa mundo ng showbiz. Congratulations, Junrey Baug!

Ysha Red

error: Content is protected !!