“Kanto” theme na kaarawan ni Donnalyn Bartolome, kinaaliwan ng netizens!

“Kanto” theme na kaarawan ni Donnalyn Bartolome, kinaaliwan ng netizens!

Kapag natural talagang magaan ang personalidad ng isang tao, hindi na talaga kinakailangan pa ng effort upang ipakita ito sa iba dahil nakikita naman ito sa ating mga aksyon, choices, at taste sa mga bagay-bagay katulad na lamang ni Donnalyn Bartolome na muli na namang umani ng papuri sa netizens dahil sa napili niyang theme sa muli niyang pagdiriwang sa kanyang kaarawan.

Credit: @donnalyn YouTube

Tunay nga na hindi lamang kagandahan ang meron si Donnalyn dahil kung pagiging natural na komedyante lang din naman ang pag-uusapan, tiyak na pasok na pasok sa criteria ang Pinay vlogger!

Sa sandamakmak na artists at vloggers ngayon sa Pinas, isa na yata si Donnalyn sa mga pinaka-talented na celebrity sa lokal na industriya ng showbiz dahil hindi lang naman kasi siya mahusay sa pag-arte dahil tunay din na nakakabilib ang kanyang talento sa pagkanta at pagsayaw. Maliban nito, isa rin siya sa mga sikat na vloggers na talaga namang patuloy na sinusubaybayan at tinatangkilik ng karamihan dahil sa walang humpay niyang pagbibigay ng tuwa at kasiyahan sa mga tagapanood.

Credit: @donnalyn YouTube

Matatandaang kumakailan lamang nang nakatanggap ng negatibong mga komento mula sa netizens si Donnalyn dahil sa naging choice niya sa theme ng kanyang photoshoot kaya sa celebration ng kanyang birthday, pinag-isipan talaga niyang mabuti ang magiging theme ng kanyang celebration at dulot nga ng kanyang masayang karanasan noong kabataan days niya, napagdesisyunan ni Donnalyn na magkaroon ng “Kanto” bilang concept.

Credit: @donnalyn YouTube

Sa post ni Donnalyn sa kanyang official na Facebook account nito lamang, ibinahagi niya ang isang touching na kuwento sa likod ng concept sa kanyang kaarawan.

Credit: @donnalyn YouTube

“My Kanto Birthday Party is not just a concept, this was my life when I left home abroad where my life was comfortable.. pero hindi mo maaabot pangarap mo sa pagiging komportable lagi. Kaya nung umalis ako saamin to work here sa Pinas, hindi ko inaasahan, kahit mahirap, isa siya sa adventure ko sa buhay na hindi ko makakalimutan,” pagkukuwento ni Donnalyn.

Credit: @donnalyn YouTube

Kahit na’y napakasimple lamang ng napili niyang theme para sa kanyang birthday celebration, mas naging special naman ito dahil present ang mga taong malalapit sa kanyang puso katulad na lamang ng kapwa niya vloggers na sina Jelai Andres, Mika Salamanca at Zeinab Harake. Of course, invited din sa kanyang party ang kanyang kaibigang celebrities na sina Paul Salas, Awra Briguela, Ella Cruz, at marami pang iba.

Credit: @donnalyn YouTube

Kasalukuyan ngayong trending sa Youtube ang vlog episode na ito ni Donnalyn.

Ysha Red

error: Content is protected !!