Kapamilya stars na sina Ivana Alawi, Liza Soberano at Janine Gutierrez, ibinandera ang ganda matapos silang makapasok sa “100 Most Beautiful Faces of 2021”

Pasok ang ilang Kapamilya stars sa prestihiyosong “100 Most Beautiful Faces of 2021” list na inilabas ni TC Candler at The Independent Critics nito lamang December 28.
Credit: @ivanaalawi Instagram
Sa taong ito, umakyat sa ika-4 na pwesto ang celebrity vlogger na si Ivana Alawi mula sa ika-11 pwesto noong nakaraang taon. Kasabayan ni Ivana sa top 10 ang ilang bigating celebrities at modelo sa buong mundo tulad nina Nancy Jewel McDonie na miyembro ng K-pop group na “Momoland”, Tzuyu ng K-pop group na Twice, at dating Victoria Secret model na si Jasmine Tookes.
Hindi rin nawala sa listahan ang hinirang na “Most Beautiful Face” noong 2017 na si Liza Soberano na nasungkit ang 18th spot ngayong taon. Noong nakaraang taon, lumapag sa ika-14 pwesto si Liza.
Ang ikatlong Pilipina naman na nakapasok sa listahan ay walang iba kundi ang aktres na si Janine Gutierrez na nasa ika-78 pwesto.
Credit: @lizasoberano Instagram
At para sa taong ito, nanguna ang Thai rapper na si Lisa Manoban ng South Korean girl group na “Blackpink” na pinangalanan ni TC Candler at The Independent Critics bilang may pinakamagandang mukha ngayong 2021.
Samantala, ang mga kagrupo naman ni Lisa na sina Rosé (17th), Jisoo (26th) at Jennie (30th) ay pasok din sa listahan ngayong taon.
Ayon naman kay TC Candler na siyang lumikha ng taunang Independent Critics List ng 100 Most Beautiful Faces of the Year mula pa noong 1990, nakatanggap sila ng mahigit 2.5 nominasyon ngayong taon na isa umanong ‘all-time record.’
Credit: @janinegutierrez Instagram
Saad ni TC, “Welcome to the 100 Most Beautiful Faces of 2021. We have over 2.5 MILLION nominations this year… an all time record! Thank you to everyone who got involved. We apologize if we didn’t nominate your favorite, but if we had nominated everyone, it would have taken about 300 years to post them all.”
“Please be kind to each other in the comments… This is all just a fun celebration of some beautiful and talented people. We wish you all a wonderful start to the New Year… and hope you join us at the start of our 33rd year doing this,” dagdag niya.