Kapuso actor na si EA Guzman, niregaluhan ang kanyang ina ng isang brand new house!

Kapuso actor na si EA Guzman, niregaluhan ang kanyang ina ng isang brand new house!

Napaiyak sa sobrang saya ang ina ni Kapuso actor Edgar Allan Guzman matapos niya itong sorpresahin ng isang napakagandang regalo ngayong panahon ng kapaskuhan.

Credit: @ea_guzman Instagram

Hindi makapaniwala ang ina ni EA nang makita nito ang kanyang regalo na isang brand new house!

Sa pamamagitan ng isang maikling video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account, ipinasilip ni EA ang isa sa mga hindi malilimutang kaganapan sa kanyang buhay na walang iba kundi ang pagsosorpresa niya sa kanyang ina ng brand new house.

Credit: @ea_guzman Instagram

Sa nasabing video ay makikitang nakapiring ang mata ng ina ni EA nang bumaba ito sa kotse. Ramdam naman sa video ang excitement ni EA nang gabayan niya ang kanyang ina patungo sa bahay na kanyang ipinatayo para rito.

Credit: @ea_guzman Instagram

Nang tanggalin na ni EA ang blinfold ng kanyang ina, dito na ito napatakip sa kanyang bibig dahil sa labis na pagkagulat matapos sabihin ni EA na sa kanya ang bagong bahay na kanyang nakikita.

Bakas sa mukha ng ina ni EA ang saya at labis na pasasalamat dahil sa napakagandang regalo na kanyang natanggap mula sa aktor.

Samantala, larawan din sa mukha ni EA ang kaligayahan nang makita ang napakasayang reaksyon ng kanyang ina sa kanyang sorpresa. Para nga kay EA, hindi matutumbasan ng kahit ano ang sandaling sinorpresa niya ang kanyang ina.

Credit: @ea_guzman Instagram

“About last night. Priceless moment of my life. This is for you! Merry Christmas, Ma! Enjoy your new house, AKO NAMAN MA,” pahayag ni EA sa Instagram.

Pero hindi lang ang ina ni EA ang naluha dahil sa kanyang sorpresa kundi pati na rin ang maraming netizens na humanga sa kabaitan ng aktor bilang isang anak.

Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa pagreregalo ng aktor ng bagong bahay sa kanyang ina:

Credit: @ea_guzman Instagram

“You always be blessed for being a good son and brother to your family you have a good heart. I’m so touch Congratulations”

“Nakakaiyak naman kuya EA proud of you”

“Naluha naman ako…na feel ko gaano kasarap yung pakiramdam na mabigyan na ikaliligaya ang mga mama natin”

Credit: @ea_guzman Instagram

“Sobrang naiyak poako! Congratulations po. Super bait mo po.”

Ysha Red

error: Content is protected !!