Kapuso actor na si Wendell Ramos, ipinamalas ang galing sa pag-awit nang makipag-duet sa kanyang unica hija

Kapuso actor na si Wendell Ramos, ipinamalas ang galing sa pag-awit nang makipag-duet sa kanyang unica hija

Nag-iisang anak na babae ng Kapuso actor na si Wendell Ramos si Tanya Isabel. Ito ang dahilan kung bakit hindi nakakagulat na siya ay isang certified daddy’s girl.

Credit: @wendellramosofficial Instagram

Bukod naman sa magandang looks, tila minana rin ni Tanya Isabel ang hilig niya sa musika at talento sa pag-awit mula sa kanyang Daddy Wendell.

Credit: @wendellramosofficial Instagram

Isa naman sa mga bonding activity nilang mag-ama ay ang pag-awit na ibinahagi nila sa maraming netizens kamakailan lamang.

Sa kanyang Facebook account, ipinasilip ni Wendell ang pagja-jamming nilang mag-ama na karaniwan na nilang bonding activity.

Credit: @wendellramosofficial Instagram

Sa isang video ay ipinamalas nina Wendell at Tanya Isabel ang kanilang husay sa pag-awit nang mag-duet sila sa awiting “More Than Words” ng sikat na banda na Extreme.

Maririnig sa nasabing video ang magandang singing voice ni Tanya Isabel at maging ni Wendell.

Alam ng lahat na si Wendell ay isang magaling na artista ngunit karamihan ay hindi alam na mayroon din siyang talento sa pagkanta.

Credit: @wendellramosofficial Instagram

Kaya naman labis ang pagkagulat ng marami nang malamang may itinatagong talento sa pag-awit at pagtugtog ng gitara si Wendell.

Samantala, hindi mapigilan ni Wendell na ipagmalaki ang kanyang unica hija. Sinabi ni Wendell na ito ang kauna-unahang pagkakataon ni Tanya Isabel na kantahin ang nasabing kanta subalit mahusay ang naging pagkanta nito.

“Proud of you nak! @tanyasabelramos ??though alam ko, this is the first time for you to sing this song… still you rock!!!” caption ni Wendell sa kanyang Facebook post.

Credit: @wendellramosofficial Instagram

Nilakipan ni Wendell ng mga hashtag na #girldad, #morethanwords, #fatheranddaughter, #qualitytime at #thankyoulordforalltheblessings ang caption ng kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wendell Ramos (@wendellramosofficial)

Dahil naman sa makikitang sweet bonding moment nina Wendell at Tanya Isabel, kaya naman maraming netizens ang humanga sa magandang relasyon nilang mag-ama.

Narito ang ilang komento ng netizens sa singing duet nina Wendell at Tanya.

“Ang sarap pakinggan at panoorin…it shows how beautiful relationship they have as a father and daughter”

Credit: @wendellramosofficial Instagram

“Wow! Galing naman sweet bonding galing nyo din po pla kumanta”

“Galing pala kumanta ni Wendell sayang di nabigyan ng break as singer”

“gandang bata, ganda pa ng boses”

“Ang galing3x naman mag team up ang mag-ama”

Ysha Red

error: Content is protected !!