Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, ipinanganak na ang unang baby nila ni Dennis Trillo

Kapuso actress na si Jennylyn Mercado, ipinanganak na ang unang baby nila ni Dennis Trillo

Marami nang celebrities sa lokal na industriya ng showbiz ang nagkaroon ng pasabog na mga surpresa at sa bawat lumilipas na panahon, mas lalo lamang na nabubuhay ang spirits ng madla dahil talagang walang katumbas ang excitement at thrill na dulot nito katulad na lamang ng surpresa ni Jennylyn Mercado sa ibinahagi niyang pinakabagong vlog.

Credit: Jennylyn Mercado YouTube

Simula nang inanunsyo ng couple na si Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang balitang ipinagbubuntis ng aktres ang kanilang unang baby, marami sa netizens lalong-lalo na sa kanilang fans ang sumusubaybay. Kahit nasa kalagitnaan ng pregnancy, patuloy naman sa pagbibigay ng update ang mag-asawa ngunit nang sumapit ang pinakahinihintay nilang araw, napagdesisyunan nilang dalawa na pansamantala muna itong ilihim sa publiko at piniling ibunyag lamang na isinilang na ni Jennylyn ang kanilang baby girl sa pamamagitan ng isang vlog na ibinahagi niya sa kanyang YouTube channel nito lamang Linggo, May 1.

Sa vlog na ibinahagi ng aktres, ipinasilip niya ang nursery room ng kanilang baby girl kung saan ay mapapansin na kumpleto talaga ng kagamitan. Talagang masasabi na pinaghandaan nilang mabuti ng asawa ang lahat lalo na’t isa ito sa mga bagay na matagal na nilang gustong gawin.

“Dito sa episode na ‘to, excited kami ni Dennis kasi ito-tour namin kayo sa aming bagong nursery room,” pahayag ni Jennylyn.

Credit: Jennylyn Mercado YouTube

Ayon sa aktres, dati umanong staff room ang nursery room lalo na’t kailangan nilang paghandaan ni Dennis ang pagdating ng bagong miyembro ng kanilang pamilya.

Taliwas sa inaakala ng karamihan na isa lamang simpleng tour sa nursery room ang nakapaloob sa vlog ni Jennylyn, may pasabog pala ang aktres na mapapanood sa pinakahuling bahagi kung saan ay makikita sila ni Dennis na nasa ospital.

Pagkukuwento ni Jennylyn, check-up lang daw ang pinunta nila ng asawa sa hospital nang nalaman nila mula sa kanyang mga doctor na maaari na siyang manganak.

Credit: @mercadojenny Instagram

“Check up lang dapat kami ngayon eh. Bigla kaming… manganganak na daw. Hindi kami ready,” saad ng aktres habang nakahiga sa kama ng delivery room.

Ngayon na dumating na ang kanilang baby girl, sobrang happy ngayon ang couple dahil sa wakas, natupad na rin ang isa sa matagal na nilang hiling at ito ay ang pagkakaroon ng baby. Maliban dito, tiyak na sobrang excited din ang kani-kanilang mga anak na si Alex Jazz at Calix dahil magiging Kuya na rin sila.

At mukhang hindi lamang ang pamilyang Mercado-Trillo ang masaya ngayon dahil nananabik din ang kanilang fans na makita ang kanilang baby girl.

Ysha Red

error: Content is protected !!