Kapuso couple Joyce Pring at Juancho Triviño, masayang winelcome ang kanilang unang anak!

Kapuso couple Joyce Pring at Juancho Triviño, masayang winelcome ang kanilang unang anak!

Abot-langit ang nararamdamang saya ngayon ng Kapuso couple na sina Joyce Pring at Juancho Triviño. Ito ay matapos nilang winelcome ang kanilang unang anak.

Credit: @joycepring Instagram

Ipinanganak ng sikat na host ang panganay nila ni Juancho noon lamang July 2.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Joyce ang unang letrato nila ng kanyang unang anak na pinangalanan naman nilang mag-asawa na Alonso Eliam. Makikita ang saya sa mukha ni Joyce habang kalong ang kanilang bagong silang na anak.

Credit: @joycepring Instagram

At sa pamamagitan ng kanyang post, inihayag ni Joyce kung gaano siya kasaya na masilayan at mayakap ang sanggol na hinintay din nila ng mahigit siyam na buwan.

“Here you finally are, cradled in my arms, taking Mama and Dada’s breath away with every coo, every movement, every little magical thing about you. There has never been a more joyful time in our lives – and we’re just so blessed our amazing God has chosen us to be your parents,” saad ni Joyce.

Credit: @joycepring Instagram

Dagdag pa niya, “We’ve got a long ways to go my love, we’ve so many things to show you, teach you, celebrate, and learn with you… but for now, basking in these love-drenched moments is all we need to do. I love you, my son. Thank you for making Mama and Dada the happiest and proudest parents.”

Samantala, hindi naman maiwasan ni Juancho na maging emosyonal habang ikinukwento niya kung paano niya nasaksihan ang pregnancy journey ni Joyce.

Credit: @juanchotrivino Instagram

Kwento pa ni Juancho, “Guys, na witness ko lahat at ang masasabi ko lang, this is a feeling that never had before. From seeing Joyce my love deliver (literally froze me to d3ath), hearing our baby cry for the first time (took my breath away) and held him in my arms for the first time (couldn’t stop looking at him).”

“I will always thank God for everything and now especially the gift of Life,” dagdag ng Kapuso actor.

Bumuhos naman ang pagbati ng mga kaibigan nina Joyce at Juancho para sa panibagong yugto ng kanilang buhay mag-asawa bilang first-time parents.

Credit: @juanchotrivino Instagram

Ilan lamang sa mga bumati sa celebrity couple sina Jodi Sta. Maria, Derek Ramsay, Sheena Halili at Camille Prats. Matatandaang ikinasal sina Joyce at Juancho noong 2020, wala pang isang taon matapos nilang kumpirmahin ang kanilang relasyon.

Credit: @joycepring Instagram

Nabuo naman ang kanilang relasyon sa Kapuso morning show na ‘Unang Hirit’ kung saan ay pareho silang host.

Ysha Red

error: Content is protected !!