Kara David, proud mommy dahil sa paggraduate ng anak na Magna Cum Laude!

Kasiyahan ng isang ina ang bawat achievement at milestone ng kanilang mga anak dahil nagsisilbi lang naman itong reward sa mahabang panahon nilang pagsasakripisyo upang masuportahan lamang ang mga pangarap nito sa buhay.
Credit: @iamkaradavid Instagram
Kuntento na ang mga magulang sa tuwing nasasaksihan ang kanilang mga anak na nakakapagtapos ng kolehiyo dahil tunay nga naman kasing hindi biro ang struggles sa antas na ito ngunit ang marinig ang Latin Honors sa tuwing binabanggit ang pangalan ng kanilang anak sa mismong seremonya ng graduation ay sobra talagang nakaka-proud kaya naman kaliwa’t kanan ngayon ang pagbabandera ni Kara David sa achievement ng kanyang unica hija na si Julia Kristiana.
Bagama’t busy man sa kanyang trabaho bilang isang broadcaster at journalist, hindi naman kailanman nagkulang si Kara David sa kanyang Momshie duties at maayos pa rin na nagabayan ang kanyang anak na si Julia Kristiana David sa landas nito upang ma-achieve ang kanyang magandang kinabukasan. Katulad ni Kara, isa ring talentado at matalinong bata si Julia Kristiana. Kahit na’y marami mang pinagkakaabalahan, maayos pa rin nitong nababalanse ang kanyang oras at matagumpay pa rin na napagtutuunan ng pansin ang kanyang studies.
Credit: @iamkaradavid Instagram
Matapos ang apat na taong pagsusumikap niya sa kanyang pag-aaral, sa wakas ay graduate na sa kolehiyo ang unica hija ni Kara sa kursong Bachelor of Science in Family Life and Child Development bilang isang Magna Cum Laude!
Sobrang proud sa kanyang anak, kaagad naman na ibinahagi ni Kara sa Instagram ang achievement ni Julia Kristiana at ipinahayag na nilagpasan talaga nito ang expectation niya sa anak.
Credit: @iamkaradavid Instagram
“And she graduated magna cum laude! Wow! Masaya na kami na makapagtapos lamang, pero dagdag karangalan pa ito. Napakahusay mo talaga anak. So proud of you! All your hardwork paid off ,” saad ni Kara.
Ngayong graduate na sa kolehiyo ang kanyang nag-iisang anak, hindi naman napigilan ni Kara na magbalik-tanaw sa kabataan days ni Julia Kristiana dahil parang kumakailan lamang umano nang tumungtong ito sa highschool tapos ngayon, successful na sa kanyang buhay bilang estudyante!
“Parang kailan lang… ngayon magtatapos ka na ng kolehiyo. So proud of you anak. Masipag, matalino, mapagkumbaba at mapagmalasakit sa kapwa. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa aking buhay,” pahayag ni Kara.
Credit: @iamkaradavid Instagram
Dagdag pa niya, “Congratulations Julia Kristiana David Mahal na mahal ka namin at lagi kaming susuporta sa iyo.”