Karen Davila, tinulungan si Rita Gaviola na ipa-check up sa doktor ang matagal na nitong iniinda sa katawan

Karen Davila, tinulungan si Rita Gaviola na ipa-check up sa doktor ang matagal na nitong iniinda sa katawan

Isa na yata sa mga pinakacontroversial na balita ngayong taon ay ang pagiging ina ni Rita Gaviola o mas kilala ng karamihan bilang si “Badjao Girl” pero sa likod nito, anu-ano nga ba ang mga paghihirap na kanyang pinagdadaanan?

Credit: @itsritagaviola Instagram

2016 nang unang sumikat si Rita Gaviola matapos mag-viral sa social media ang kanyang candid na larawan na kuha sa Pahiyas Festival sa Quezon City hanggang sumali nga siya sa “Pinoy Big Brother” sa parehong taon. Mula pa man noon, sobra nang na-touch ang netizens sa storya ng buhay ng akres dahil lumaki umano siyang namamalimos at pagala-gala sa kalsada pero sa pagpasok niya sa industriya ng showbiz, tila’y kaagad na nagbago ang kanyang buhay dahil kalakip ng kanyang tinatamasang kasikatan ay ang pagkakaroon niya ng sandamakmak na opportunities na talaga namang patuloy na nag-fuel sa kanyang career bilang isang TV personality.

Credit: @itsritagaviola Instagram

Sa ilang taon na pamamalagi ni Rita sa showbusiness, sobrang focused talaga siya sa kanyang career at determinado na maahon mula sa hirap ang kanyang buong pamilya pero sa kalagitnaan ng kanyang pagtatrabaho, tila’y unti-unti naman niyang nakakalimutan at napapabayaan ang sarili.

Sa vlog na ibinahagi ni Karen Davila nito lamang Huwebes, August 25 ay naikuwento ni Rita ang kanyang iniindang sakit at ito ay ang nararamdaman niyang bukol o cyst sa kanyang dibdib. Ayon sa aktres, matagal-tagal na umano niya itong nararamdaman at naipatingin na rin niya ito sa doktor at may gamot naman siyang ininom pero sa paglipas ng panahon, tila’y bumalik umano ito.

“Actually, nagpa-check up na po ako dati at meron po talaga siya. Sabi nila na parang bukol. Binigyan nila ako ng gamot so uminom ako hanggang sa nawala pero bumalik siya,” ayon kay Rita.

Credit: @itsritagaviola Instagram

Maliban sa kanyang iniinding karamdaman, mas nadagdagan pa umano ang kanyang stress mula sa natanggap niyang harsh at negatibong mga komento mula sa netizens dahil sa kanyang pagiging ina sa edad na 19 pero mas pinili naman ni Rita na maging matatag para sa sarili, sa kanyang pamilya, at para na rin sa kanyang anak na si baby Kia.

“Ganito lang po talaga ako kung makikita niyo, masaya pero hindi po nila alam may pinagdadaanan ako. Kumbaga, parang kailangan kong tiisin na hindi ako nakakapagpa-checkup kasi ‘yung check up ko, ibigay ko na lang sa parents ko. Pambili nila ng pagkain. Ako, okay lang na ako ‘yung mahirapan. Huwag lang sila,” emosyonal na saad ni Rita.

Credit: @itsritagaviola Instagram

Makalipas ang mahigit dalawang buwan, ipakonsulta na ni Karen Davila si Rita sa doktor kung saan ay nakumpirmang walang cy5t ang aktres at wala rin umanong possibility na magkakaroon siya ng c@ncer na isa sa mga bagay na labis niyang pinag-alala.

Maliban sa check-up ay nakatanggap din ng 50K voucher mula sa isang department store si Rita Gaviola na ipinambili niya sa lahat ng mga pangangailangan ni baby Kia. Dahil sa maagang pamasko ni Karen Davila, halos hindi talaga mapangalanan ni “Badjao Girl” ang kasiyahang nararamdaman niya ngayon dahil sobra-sobra umano ang blessings na natanggap niya at ng kanyang pamilya.

Ysha Red

error: Content is protected !!