Karla Estrada, sinabing isa siyang proud mommy sa edad na 20!

Karla Estrada, sinabing isa siyang proud mommy sa edad na 20!

Bagama’t marami man ang naniniwalang isang hadlang o balakid ang pagkakaroon ng anak sa napakamurang edad lalo na’t nasa peak ng career, proud naman si Karla Estrada sa pagiging isang batang ina dahil ito umano ang nag-fuel sa kanyang determinasyon na magpursige pa sa buhay.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Matatandaang dalaga pa lamang si Karla nang sumabak siya sa pag-aartista. Dahil sa kanyang kahusayan sa nasabing larangan, kaliwa’t kanan talaga ang projects na natatanggap ng aktres hanggang nakilala nga siya bilang isa sa mga pinakamaningning na stars sa industriya ng showbusiness ngunit sa kalagitnaan ng kanyang career noong 1995, ibinalita niya sa publiko na ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Rommel Padilla.

Sa edad na 20, isa ng ganap na ina si Karla ngunit sa kabila ng kanyang kaalaman na hindi biro ang duties at responsibilities na kaakibat nito, hindi naman kailanman pinagsisihan ng aktres ang desisyon niyang ito at nanindigan talaga dahilan kung bakit inamin niyang sobra siyang proud sa sarili.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Ilang ulit na namang nakuwento ng mag-ina na si Karla at Daniel Padilla ang naging karanasan nila sa nagdaang interviews at matagal na namang alam ng karamihan kung gaano kalaki ang sakripisyo ng aktres upang maitaguyod lamang ang pangangailangan ng noo’y chikiting na si DJ kaya marami talaga ang bumilib sa kakayahan ni Karla bilang isang Momshie.

Sa kanyang pagbabalik-tanaw sa pinakaunang appearance ni Daniel sa TV noong baby pa lamang ito, ipinahayag ni Karla na sobra siyang proud sa sarili dahil kahit naging batang ina man, maayos naman niyang napalaki ang anak kahit na’y abala sa trabaho.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Sa post ni Karla sa IG at Facebook, ibinahagi niya ang adorable na larawan niya kasama ang noo’y baby na si DJ kung saan ay naging guest sila sa isang TV show. Ayon sa aktres, ito ang pinakaunang pagkakataon na ipinakilala niya sa publiko ang kanyang chikiting.

Sa caption ni Karla, mababasa ang, “A lot of people tagging this pictures to me..me as a 20yr old momshie and 1yr old @supremo_dp. Walang masyadong malalim na dahilan sa kanila ang eksena na ito.. Pero sa akin napaka-importante ng guesting na ito dahil dito unang nakita si Daniel sa telebisyon at isa ito sa pinakamaligayang araw ng buhay ko dahil sa araw na ito buong pagkatao kong ipinagmalaki na ako ay isang batang ina at May anak na nag bigay sakin ng pangalawang pagkakataon na mag sipag pa sa buhay! MABUHAY ANG MGA NANAY NA MATIBAY!”

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Tunay nga naman kasi na hindi madali ang pagiging isang ina ngunit sa edad na 20, nakaya naman ito ni Karla, isang patunay na isa siyang matibay na nanay!

Ysha Red

error: Content is protected !!