Kasal nila Derek Ramsay at Ellen Adarna, usap-usapan dahil sa napakagandang reception nila

Sa wakas ay dumating na rin ang araw na pinakahinihintay ni Ellen Adarna at Derek Ramsay at halos wala ng mapagsidlan ng tuwa ngayong isa ng ganap na mag-asawa!
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Makaraan ang isang buwan simula nang kumalat ang isyu tungkol sa relasyon nina Ellen at Derek, proud na inamin ng dalawa nito lamang buwan ng Pebrero na may namamagitan nga sa kanila.
Credit: @maria.elena.adarna Instagram
Matapos aminin sa publiko ang kanilang romantikong relasyon, kailanman ay hindi binigo ng celebrity couple ang kanilang fans dahil palaging updated ang mga ito sa bawat ganap ng kanilang buhay.
Ilang buwan matapos sa maging open sila sa publiko, muling ginulantang nina Ellen at Derek ang kapwa celebrities at fans nang ibinahagi ng aktres sa Instagram ang magandang balita na siya’y engaged na!
Maaalala nitong Oktobre nang ipinasilip nina Ellen at Derek sa kani-kanilang Instagram accounts ang mga larawang kuha sa ginanap nilang prenup shoot na talaga namang umani ng atensyon ng netizens pati na ng kapwa nilang celebrities.
Credit: @patdy11 Instagram
Sa kasagsagan ng kanilang preparasyon para sa nalalapit nilang kasal, hindi man ibinahagi ng dalawa sa publiko ang napili nilang araw, patuloy naman sa pagbibigay ng update sina Ellen at Derek.
Talagang mahilig ang couple sa surpresa dahil ngayon lamang, Huwebes, November 11, ipinangako na rin sa wakas nina Derek at Ellen na manananatili at mas pagtitibayin pa hanggang sa habang-buhay ang kanilang pagmamahalan.
Simple at elegante, pinahanga ng “newlywed couple” ang netizens dahil sa isang mamahaling mountain resort lang naman ginanap ang kanilang kasal at sa harap pa ng papalubog na araw!
Credit: @patdy11 Instagram
Maliban sa kanilang pagkakakilanlan bilang mahusay na mga artista sa industriya ng showbiz, kilala rin sina Ellen at Derek sa kanilang good looks. Sa suot na simple at puting wedding gown ni Ellen Adarna, napaka-alluring niya tingnan at pagmasdan.
Samantala, napakagwapo at mas lalo lamang na naging hunk si Derek sa suot niyang suit na gawa ni Bianca Cordero.
Credit: @patdy11 Instagram
Wala pa mang kahit anong larawan na ibinahagi sina Ellen at Derek sa opisyal nilang social media accounts, nagawa pa rin ng kanilang fans na masilip ang kaganapan sa kanilang kasal dahil sa mga larawang kuha ng kanilang guests. Isa na nga sa mga celebrity na imbitado sa pag-iisang dibdib nina Derek at Ellen ay sina Beauty Gonzales, Dra. Vicki Belo, at iilan pang malalapit nilang kaibigan sa showbiz.
Credit: @patdy11 Instagram
Bagama’t simple at intimate lamang ang kanilang kasal, makikita naman sa mga larawang ibinahagi ni Nelwin Uy, ang opisyal nilang photographer, na napakabongga naman ng kanilang decorations!