Kasalang Tom Rodriguez at Carla Abellana, naganap na; Carla, napakagandang bride suot ang kanyang dream gown

Parehong kilala sa industriya ng showbiz, talagang hindi mapakali ang netizens na masilip ang kaganapan sa kasal nina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Credit: @teampatdy Instagram
Hindi lamang ito isang ordinaryong araw para sa buhay ng celebrity couple dahil simula ngayon, habang-buhay nilang ipagdidiwang ang araw ng kanilang kasal!
Credit: @teampatdy Instagram
Sabado, October 23, 2021 nang humarap si Carla at Tom sa altar at nangako sa Panginoon na sa hirap man o sa ginhawa, mananatili sila sa tabi ng isa’t-isa.
Credit: @teampatdy Instagram
Mahigit pitong taon na simula nang naging magkasintahan ang dalawa at hanggang ngayon, wala pa ring kupas ang pagmamahalan nila. Patuloy na pinagtitibay ng panahon ang kanilang relasyon, hindi kailanman binigo ng dalawa ang isa’t-isa dahil mapapansin at mararamdaman naman sa bawat larawang ibinabahagi nila sa social media ang romansa.
Credit: @teampatdy Instagram
Sa katunayan, Oktobre pa noong nakaraang taon na-engage ang dalawa pero inanunsyo lamang nila ito sa publiko nitong Marso 2021.
Credit: @teampatdy Instagram
Noon pa ma’y walang-sawa nang pinapasaya ang fans, muling naghatid ng kilig sina Tom at Carla nang lumabas at kumalat ang iilang larawang kuha sa kanilang kasal na ginanap sa San Juan Nepomuceno Parish Church sa Batangas.
Sa ibinahaging larawan ni Pat Dy sa Instagram kung saan ay makikitang suot ng aktres ang kanyang wedding gown na gawa ni Monique Lhuillier, kapansin-pansin ang pagiging glowing ni Carla. Napakaganda naman talaga ng bride! Of course, gwapong-gwapo rin ang kanyang groom na si Tom sa suot nitong suit na gawa ni Francis Libiran.
Credit: @teampatdy Instagram
Samantala, ipinasilip din ng kanilang photographer na si Nelwin Uy ang nakakakilig na larawan ng bagong kasal kung saan ay proud nilang ipinapakita sa kamera ang suot nilang singsing.
“Oh these 2! Congratulations,” sulat ni Nelwin Uy sa kanyang caption.
Credit: @teampatdy Instagram
Sa kabila ng kumakalat na viru$ at sa masamang panahon ngayon, labis naman ang paghahanda nina Carla at Tom sa tulong ng iilang professionals para sa kanilang kasal. Simple man pero talaga namang agaw-pansin ang eleganteng set-up mula sa design at iba pa.
Maliban sa kanilang pamilya, invited rin sa kanilang kasal ang kapwa nila celebrities at minsan nang nakasama ni Carla sa teleseryeng “Because of You” noong 2015 na si Rafael Rosell, at iba pang malalapit na kaibigan sa industriya ng showbiz.
Credit: @teampatdy Instagram
Halos hindi naman maka-get over ang kanilang fans sa katotohanang kasal na rin sa wakas ang iniidolo nilang couple sa showbiz na sina Carla at Tom.