Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nagcelebrate ng ika-10 anibersaryo kasama ang mga elepante

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nagcelebrate ng ika-10 anibersaryo kasama ang mga elepante

Muli na naman tayong pinakilig ng real-life couple na si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa kanilang sweetness sa trip sa Chiang Mai bilang celebration sa kanilang ikasampung anniversary!

Credit: @bernardokath Instagram

Talagang napakabilis lumipas ng panahon dahil parang kailan lamang simula nang sumikat ang Kathniel bilang isang loveteam at ngayon, ipinagdidiwang na ng dalawa ang kanilang ikasampung anniversary bilang couple sa totoong buhay.

Kung babalikan ang kahapon, talagang mapapansin natin kung gaano karami ang pagsubok na kanilang pinagdaanan at kung gaano kalaki ang pagbabago sa kani-kanilang sarili pero dahil sa kanilang choice na mag-grow nang magkasama at hindi magkahiwalay, napagtagumpayan ni Kathryn at Daniel na mas patatagin pa ang kanilang relationship.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan kung gaano ka-busy ang mga tao sa loob ng showbiz. Marami ring problema at issues na pinagdadaanan ang iilang mga artista ngunit sa kabila ng lahat na pagsubok, magkasama itong hinarap ng couple.

Credit: @bernardokath Instagram

Sa kanilang pagbabalik sa telebisyon, muling binuhay ng Kathniel ang suporta, pagmamahal, at vigor ng kanilang fans ngunit hindi lamang sa bawat episode ng kanilang bagong series na “2 Good 2 Be True” nananatili ang kanilang pagpapakilig dahil sa kanilang trip sa Chiang Mai, Thailand, muli na naman nilang nilunod sa sweetness ang kanilang supporters.

“Celebrated our special day in the most unforgettable way possible and enjoyed every minute of it. 🥺 🐘,” sulat ni

Kathryn sa caption ng kanyang post sa Instagram kalakip ng ibinahagi niyang mga larawan kung saan ay makikita sila ni Daniel habang nag-eenjoy sa company ng mga elephants na siya umanong favorite ng aktres.

Sa kanilang sampung taon na pagsasama at pagmamahalan, talagang malaki ang pasasalamat ni Kathryn sa existence ni Daniel na hindi siya kailanman binigo pagdating sa pagbibigay ng assurance.

Credit: @bernardokath Instagram

“Thank you for making time for this trip, my love! Thank you for always making sure I feel loved and appreciated. 🖤 Looking back on our 10-year journey together, I find myself smiling with so much pride. Because we did it… We did it, love! True love exists. Someone like you still do exist. 🥺🖤,” saad ng aktres.

Dagdag pa niya, “I love you so much. Happy 10th anniversary to my person!”

At mukhang hindi lamang fans ng Kathniel ang nakiki-celebrate sa milestone ng couple dahil pati kapwa nila celebrities ay nagpahayag din ng kanilang kasiyahan. Iilan lamang sa mga ito ay sina Ruffa Gutierrez, Arlene Muhlach, Loisa Andalio, Neil Coleta, at iba pa.

Dahil sa walang humpay na pagmamahalan ni Kathryn at Daniel sa isa’t-isa, talagang hindi natin mapipigilan ang sarili na mapasabi na lamang ng “Sana all!”

Ysha Red

error: Content is protected !!