Kendra Kramer, napupusuan ng maraming pageant fans para maging susunod na Miss Universe candidate!

May bagong napupusuan ang Pinoy pageant fans para maging susunod na pambato ng Pilipinas sa prestihiyosong Miss Universe pageant. Ito ay walang iba kundi ang napakagandang anak ng mag-asawang Cheska Garcia at Doug Kramer na si Kendra.
Credit: Pageanthology 101 Facebook
Lingid sa kaalaman ng lahat, isa si Kendra sa mga maningning na celebrity kid ngayon sa social media at talagang sinusubaybayan ng libu-libong netizens ang kanyang paglaki.
Marami naman ang humahanga sa angking ganda ni Kendra na hindi maikakailang papasang maging isang beauty queen! Mula pagkabata hanggang ngayong 12 years old na siya, nasaksihan nga ng mga netizen kung paano lumaki si Kendra na isang napakagandang dalaga.
Credit: Pageanthology 101 Facebook
At kamakailan lamang, muling naging usap-usapan si Kendra matapos magbahagi ng ilang videos si Doug kung saan makikita ang kanyang malaking potensyal para maging isang beauty queen sa hinaharap.
Sa naturang video, agaw-pansin ang mala-beauty queen na ganda at postura ni Kendra habang nagpo-pose sa harap ng kamera.
Credit: Pageanthology 101 Facebook
Maging si Doug nga ay namangha sa kanyang nasaksihan nang sumabak na sa kamera si Kendra at ipinakita ang kanyang mala-beauty queen na awra!
“Grabe, ano iyan? That’s not Cheks, you guys! That looks like Cheks, it’s not! It’s Kendra! This is just a random shoot. We just finished a three-day TVC and print shoot for Cheks, Gavin, and Kendra then… our glam team decided to do this for Kendra,” sabi ni Doug sa video.
Dagdag pa niya, “Our glam team, sina Rain, ginagawang Miss Universe na agad si Kendra e!”
Credit: Pageanthology 101 Facebook
Samantala, kaagad namang nag-viral ang naturang video ni Kendra lalo na nang i-repost ito ng ilang pageant community sa social media. Komento ng ilang pageant fans, hindi malayong si Kendra na ang susunod na lalaban sa Miss Universe. Napansin din ng maraming netizens ang malaking pagkakahawig ni Kendra kay Catriona Gray na hinirang bilang Miss Universe noong 2018.
“pang miss U ang beauty ni kendra, sophisticated at brainy din yang bata na yan. totoo may resemblance sila ni catriona gray. yung kutis nya, hair, ganda ng katawan wow ang gandang bata”
“Cant wait to see kendra to be miss u.. but please don’t grow to fast.. ♥️♥️♥️♥️”
“Shes so beautiful, cant wait to see her represents the Philippines in a pageant 😍♥️”
“She’s more like catriona gray when she was a kid… Soon miss universe Philippines representative. Sana”