Kilalanin ang babaeng nagpapatibok ngayon sa puso ng aktor na si Michael De Mesa

Kilala man bilang kontrabida sa iilang pelikula at teleseryeng kinabibilangan ay taliwas naman sa mga ginaganapan na karakter ang pagkatao ni Michael De Mesa sa totoong buhay.
Credit: @mdemesa Instagram
Ayon sa mga post ni Michael Edward Eigenmann o mas kilala sa pangalang, Michael De Mesa sa Instagram ay masasabing isa siyang masayahin na tao at mapagmahal na asawa at ama sa mga anak.
Madalas rin na nakikita sa Instagram account ni Michael ang “appreciation post” para sa asawa na si Julie. Sobrang supportive rin niya sa bawat photo sessions ng asawa at siya mismo ang kumukuha ng magagandang larawan nito. Sa loob ng siyam na taong pagsasama ay masasabing sobrang sweet pa rin ni Michael sa asawa.
Credit: @mdemesa Instagram
Taong 1978 nang ikinasal si Michael sa dati nitong asawa na si Gina Alajar. Matapos ang mahigit 23 taong pagsasama bilang mag-asawa ay humantong rin ang dalawa sa hiwalayan. Mayroong tatlong anak sina Michael at Gina na sina Geoff, Ryan, at Aj Eigenmenn.
Credit: @mdemesa Instagram
Nang naisip na hindi na siya muling makakahanap ng iibigin matapos ang hiwalayan nila ng dating asawa ay muling tumibok ang puso ni Michael nang nakilala si Julie Reyes na isang dancer at chereographer. Hindi naman nagtagal ay ikinasal si Julie at Michael noong 2011 sa bansang Amerika.
Credit: @mdemesa Instagram
Malaki man ang agwat ng edad nina Michael at Julie ay hindi naman ito naging hadlang sa pagsasama ng dalawa. Masaya pa nga sila sa piling ng isa’t-isa at mahilig rin silang mag-travel sa iba’t-ibang bansa pero dahil sa p@ndemya ay hindi pa ulit nakakapag-travel ang mag-asawa dahil na rin sa pag-iingat sa C0vid.
Credit: @mdemesa Instagram
Mayo 24 ngayong taon nang ipinagdiwang ng aktor ang kanyang 61st na kaarawan kung saan ay binati siya ng asawang si Julie ng napaka-sweet na mensahe kalakip ng nakakaaliw na maikling video sa Instagram.
Credit: @mdemesa Instagram
“𝐇𝐀𝐏𝐏𝐘 𝐁𝐈𝐑𝐓𝐇𝐃𝐀𝐘, 𝐌𝐘 𝐋𝐎𝐕𝐄! 🎉🎁You’re a great actor and an even better husband. Yeah, you may be annoying sometimes but I still want to spend every irritating moment with you. 🥴 You’re my favorite pain in the 🍑! 😆 Thank you for being so much more than I could ask for. 😘 I love you fiercely, truly, dearly, without end.”
Credit: @mdemesa Instagram
Ni-repost naman ni Michael ang parehong video sa sariling account na may caption na, “Nag expect ka kasi eh. Pasensya @julie_eigenmann 🤪😆” na siyang kinagiliwan ng netizens.