Kilalanin ang bagong miyembro sa pamilya nila Iya Villania at Drew Arellano

Kilalanin ang bagong miyembro sa pamilya nila Iya Villania at Drew Arellano

Isa na namang “bundle of joy” ang sinalubong ng couple na si Iya Villania at Drew Arellano sa pagdating ng bagong miyembro sa kanilang pamilya na si Astro Phoenix!

Credit: @iyavillania Instagram

Kaligayahan ng mga magulang ang kanilang mga anak kaya naman kahit ikaapat na itong anak ng mag-asawa na si Iya Villania at Drew Arellano, tila’y bago pa rin sa kanila ang kasiyahang nararamdaman.

Sa Instagram stories ng “Mars Pa More” host na si Iya, mayroon siyang update tungkol sa kanyang pagbubuntis. Nagbahagi rin siya ng hints tungkol sa mangyayari ngayong araw dahilan kung bakit hindi lamang ang pamilyang Villania-Arellano ang na-excite dahil pati fans ay nakaabang na rin.

“Could it be todaaaay?” pagpapahiwatig ni Iya kalakip ng isang selfie kung saan ay makikita siyang nasa loob ng sasakyan.

Credit: @iyavillania Instagram

Kasunod naman nito ay ang isang boomerang kung saan ay mapapanood siyang sumasayaw at gumigiling-giling habang nakasuot ng hospital gown at nakakapit sa isang IV stand. Mukhang ready nang manganak!

“Let’s induce this labor, ladies and gentlemen,” ayon kay Iya.

Matapos ang ilang oras, muling nagbahagi ng update ang “Mars Pa More” host kung saan ay ikinuwento niya na ito na yata ang pinakatagal niyang labor.

Credit: @iyavillania Instagram

“Despite this being my 4th delivery, this one is my longest yet,” saad ni Iya. Sa huli niyang story sa Instagram, makikita siyang naka-thumbs up habang mababasa ang caption na, “Done! Baby out!!!!”

Sa pagsalubong sa bagong baby boy nila ni Drew, halos hindi mapigilan ni Iya na maging emosyonal lalo na’t sobra umanong kakaiba ang delivery niya sa ikaapat na anak. Ikinuwento rin niya na ito na ang huling baby nila ng asawa.

“My longest and most painful delivery but also the most special because I was praying for strength and courage EVERY SINGLE DAY hoping to get thru an unmedicated birth to wrap up this journey (yes guys, I believe this is the last! 😅),” pahayag ni Iya kalakip ng ibinahagi niyang mga larawan kung saan ay makikita siyang karga-karga si baby Astro Phoenix.

“Say hello to Astro Phoenix V. Arellano 💙,” pagpapakilala ni Iya sa ikaapat na anak nila ng asawa.

Credit: @drewarellano Instagram

Ngayon na lumalaki na ang pamilya ni Iya at Drew, talagang expected na mas magiging masaya pa ang kanilang bawat moment.

Ysha Red

error: Content is protected !!