Kilalanin ang dalawa pang artistahing mga kapatid ni Kristine Hermosa na hindi pumasok sa showbiz

Walang duda na marami ang humahanga sa aktres na si Kristine Hermosa hindi lamang dahil sa kanyang husay sa pag-arte kundi pati na rin sa kanyang taglay na kagandahan. Alam ng marami na likas na sa pamilya nina Kristine ang maging maganda at gwapo.
Credit: @kathhermosa Instagram
Ang ina ni Kristine na si Maria Alma Hermosa Orille o tinatawag din ng kanyang pamilya at mga kaibigan na “Mai” ay madalas maging agaw-atensyon sa social media dahil sa kanyang mala-dyosang kagandahan.
Marami naman ang nagsasabing parang mga kapatid lamang ni Mai ang kanyang mga anak na sina Kathleen, Kristine, Maxine at Joshua. Kilala nga ang magkakapatid na Hermosa-Orille dahil sa kanilang taglay na kagandahan at kagwapuhan.
Si Kristine ay pangalawa sa apat na magkakapatid habang ang kanilang panganay na si Kathleen ay sumunod sa kanyang yapak bilang isang artista at pumasok din sa showbiz.
Credit: @kathhermosa Instagram
Tanong tuloy ng marami, may plano rin kayang pumasok sa showbiz ang dalawa pa niyang kapatid?
Sinagot naman ito ng ina ni Kristine nang makapanayam siya kamakailan lamang ni Reggee Bonoan ng Bandera.
Paglalahad ni Mai, walang binabanggit si Joshua tungkol sa pagpasok sa showbiz. Ikwenento rin niyang abala sa pag-aaral ang kanyang napakagwapong unico hijo sa bansang Spain.
Credit: @khsotto Instagram
“Hindi naman niya nabanggit kasi ang gusto nga niya maglibot sa ibang bansa at makapasok sa United Nations,” ani Mai.
Dagdag niya, “Matagal na siya sa Spain, super smart at fluent sa sa 6 languages. Modern languages ang kinukuha niya, interpreter and translator ang pangarap at gustong pumasok sa United Nations.”
Credit: @khsotto Instagram
Nakabase na sa Canada ang ina ni Kristine at nagtatrabaho roon bilang isang licensed aesthecian ngunit umuwi ito sa Pilipinas nitong Agosto lamang para bisitahin ang kanyang mga anak at mga apo.
Matatandaang noong 2011 nang ikasal si Kristine sa aktor na si Oyo Boy Sotto. Noong August 3 nga ay winelcome nilang mag-asawa ang kanilang ika-5 anak na si baby Viittorio Isaac.
Credit: @khsotto Instagram
Nitong September 9 naman ay masayang ipinagdiwang ni Kristine ang kanyang ika-38 kaarawan kasama ang kanyang pamilya. Sa Instagram, ibinahagi ni Kristine ang sweet photo nila ni Oyo Boy kasama ang apat pa nilang mga anak na sina Ondrea, Kiel, Vin at Kaleb.