Kilalanin ang gwapong anak ng beteranong aktor na si Ian Veneracion na kinakikiligan ngayon ng mga netizen

Kilalanin ang gwapong anak ng beteranong aktor na si Ian Veneracion na kinakikiligan ngayon ng mga netizen

Isa sa mga respetado at tinitingalang artista ang aktor na si Ian Veneracion. Bukod sa husay nito sa pag-arte ay tumatak din sa mga manonood ang kagwapuhan nito mula nung siya ay bata pa na kaniyang napanatili kahit ngayong siya ay 46 years old na.

Patuloy na kinikilig ang mga kababaihan sa kakisigan at kagwapuhang taglay ni Ian na walang dudang namana ng kanyang anak na si Tristan Draco.

Credit: @ianveneracion1 Instagram

Sa mga IG post ni Draco, makikita ang kagwapuhan nito na kinakikiligan at tinitilian ng mga netizen.

Namana rin nito sa ama ang pagiging mahilig sa sports dahil mahilig din ang binata sa mga outdoor sports kagaya ng motorbiking na siya ring kinahihiligan ni Ian.

Isa sa naging bonding ng mag-ama ang kanilang motorbiking sa Sagada ng Mountain Province na ibinahagi ng aktor sa Instagram.

“After a night in Sagada, I discovered the most beautiful road I’ve ever seen while following dirt-roads that aren’t on the maps. (Not even in google maps!) Me and my boy Draco enjoying our bikes,” caption sa nasabing IG post.

Credit: @ianveneracion1 Instagram

Namana rin ni Draco at ng kaniyang mga kapatid ang mga hobbies ng kanilang ama tulad ng hiking, sailing at snowboarding.

Si Draco ang panganay sa tatlong anak ni Ian sa kanyang asawang si Pam Gallardo. Siya ay 22 taong gulang pa lamang. Sinundan naman siya ng isang kapatid na babae na si Deidre at ang kanilang bunso na si Buccio.

Credit: @ianveneracion1 Instagram

Ibinahagi ni Ian na ang pangalan ni Draco ay kinuha niya sa isang polar constellation at sa isang fantasy movie na Dragonheart (1996).

“Ang pangalan ng dragon dun Draco, which is named after the constellation, meaning dragon. Kaya yun,” Ani Ian.

Samantala ayon naman sa kaniyang asawa na si Pam, mayroon pa sanang ibang pangalan ang kanilang anak na si Draco na mula naman sa isang Hollywood movie na Legends of the Fall (1994).

Credit: @ianveneracion1 Instagram

Nag-aaral ng kolehiyo si Draco sa De La Salle University at kumuha ng kursong Bachelor‘s Degree in Legal Management.

Hindi katulad ng kanyang kapatid na si Deidre na pinasok ang music industry ay hindi sumunod sa yapak ng kanyang ama si Draco at nanatiling pribado ang kanyang buhay.

Ysha Red

error: Content is protected !!