Kilalanin ang heartthrob na anak nina Aga Muchlach at Charlene Gonzalez na si Andres

Kinagigiliwan ng netizens ang mga larawan ni Andres Muhlach sa labis na kagwapuhan nito. Hindi maikakailang namana n’ya ito sa amang heartthrob na si Aga Muhlach at sa Beauty Queen na inang si Charlene Gonzalez. Isa si Andres sa kambal na anak nina Aga at Charlene na simula pagkabata ay kapansin-pansin na ang kacutean.
Credit: @itsmecharleneg Instagram
Sa kabila ng suporta ng mga tagahanga ay tila walang plano ang binata na maging artista tulad ng kanyang mga magulang subalit binigyan n’ya ng pagkakataon ang pagmomodelo.
Matapos ang kanilang senior high graduation online noong nakaraang taon ay naging abala si Andres sa modeling at nagkaroon pa ng billboard sa EDSA.
Credit: @aagupy Instagram
Masaya naman itong ibinahagi ng proud mom na si Charlene sa kanyang Instagram account kasama ang larawan ng kanyang binatang anak.
“My Love.. Andres ️ @aagupy… ️Thank you for making Andres part of the Bench family..@bcbench @benchtm.. We are so happy,” caption ni Charlene.
Credit: @aagupy Instagram
Bagay na bagay ang pagiging modelo nito dahil bukod sa kagwapuhan ay matangkad din ito at fit na fit ang katawan dahil sa pagwowork-out at pagbabasketball na isa din sa kanyang kinahihiligan. Sa katunayan ay madalas makita sa kanyang Instagram ang ilang post habang siya ay naglalaro at minsan pa’y nanonood mismo ng NBA ng personal kasama ang kanyang amang si Aga.
Credit: @itsmecharleneg Instagram
Sa kasalukuyan ay nag-aaral ng kolehiyo ang binata sa Spain. January 11, 2021 nang umalis si Andres sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa ibang bansa.
Sa kabila ng labis na pag-aalala sa anak ay sinang-ayunan ng Beauty Queen ang kagustuhan nito.
Credit: @itsmecharleneg Instagram
“As a mom, you imagine & know that someday, that day will come but you always think it’s too far away for it to be a reality,” ani Charlene.
Ayon pa dito ay hindi naging madali sa kanila ang pagdedesisyon na payagan si Andres na magtungo sa Spain dahil sa pangambang dulot ng pandemya subalit bilang magulang ay kailangan nilang suportahan at alalayan ang kanilang anak sa pangarap nito.
Credit: @itsmecharleneg Instagram
“Ang hirap mag-let go for any mom but going off to college will be a wonderful experience for all children. As parents, we provided them wings, but now it’s their turn to fly.We love you so much,” dagdag pa ni Charlene.
Credit: @itsmecharleneg Instagram
Ang kakambal naman nitong si Atasha ay kasalukuyang nag-aaral online sa isang UK university dahil sa lockdown sa UK subalit kailangan niya ring magtungo roon sa susunod na school year upang ipagpatuloy ang pag-aaral.