Kilalanin ang mga cute na anak ni Kaye Abad at Paul Jake Castillo

Marami namang kuwento ng pagmamahalan na nagsimula nang sila’y nagkakilala at nagkatagpo sa showbiz, hindi pa rin nakakasawa sa tuwing may natutunghayan tayong bago o kapag nakikita natin ang growth nila bilang isang pamilya kasama ang kanilang mga anak.
Credit: @kaye_abad Instagram
Isa si Kaye Abad at Paul Jake Castillo sa mga couple ngayon sa mundo ng showbiz na patuloy pa rin na pinagtitibay ng panahon. Mula pa man noong inanunsyo nila sa publiko ang kanilang relationship, ikinasal, at hanggang bumuo ng pamilya kasama ang kanilang mga chikiting ay talagang hinahangaan sila ng karamihan dahil sa pagiging lowkey ngunit hindi detach sa showbiz, sa kanilang fans, at sa mga taong sumusuporta at patuloy na nagsusubaybay sa kanila. Talagang nagawa ng couple na mapanatili ang space at distance na kailangan ng kanilang pamilya.
Unang nagkakilala si Kaye at Paul Jake sa seryeng “Precious Hearts Romances Presents Alyna” noong 2010 at kahit na’y natapos ang nasabing show, patuloy pa rin ang komunikasyon at pagkakaibigan ng dalawa.
Sa isang interview kasama ang PEP.ph, ibinahagi ni Kaye na malaking tulong ang ilang taon na pagkakaibigan nila ni Paul Jake bago nila nadiskubre ang feelings nila para sa isa’t-isa dahil sampung buwan matapos silang ikasal, hindi umano sila nagkagulatan sa kani-kanilang ugali.
Credit: @kaye_abad Instagram
Matapos ang mahigit isang taon simula nang sila’y ikasal, nabiyayaan ng blessing si Kaye at Paul Jake sa pagdating ni Pio Joaquin sa kanilang buhay at taong 2021 naman nang muling nadagdagan ng bagong miyembro ang kanilang pamilya at ito nga si Iñigo Leon Castillo o mas kilala sa una nitong pangalan na Iñigo.
Ngayon na apat na taong gulang na ang panganay ng couple, talagang nagagampanan nito ng maayos ang kanyang role at responsibilities bilang isang Kuya kay baby Iñigo dahil tumutulong din siya sa kanyang Mommy Kaye sa pag-aalaga sa kanyang kapatid.
Hinangaan din ng netizens ang mabilis na pag-adjust ni Joaquin sa pagiging Kuya dahil makikita naman sa bawat update at larawang ibinabahagi ng kanyang Mommy Kaye sa social media kung gaano siya maalaga at mapagmahal sa nakababatang kapatid.
Credit: @kaye_abad Instagram
Pinanggigilan din ng netizens ang bonding moments ng magkapatid dahil sa pagiging malambing ni Joaquin at pagiging makulit ni baby Iñigo. Sa katunayan, muli na namang pinagkaguluhan ng netizens at kapwa celebrities ang mga chikiting ni Kaye at Paul Jake dahil sa ibinahaging larawan ng aktres kung saan ay makikita silang nakahiga sa kama at naglalambingan.
“priceless💙,” caption ng aktres.
Dahil sa pagiging adorable ni Joaquin at baby Iñigo sa larawang ibinahagi ng kanilang Mommy Kaye sa Instagram, talagang pinanggigilan at inulan ng positobong komento ang mismong post.