Kilalanin ang mga naggagandahan at naggagwapuhang anak nila Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa

Kilalanin ang mga naggagandahan at naggagwapuhang anak nila Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa

Marahil ay marami sa inyo ang nagtataka kung ano nga ba ang pinagkakaabalahan ngayon ni Kristine Hermosa at Oyo Sotto lalo na’t nitong nakaraang mga taon ay hindi masyadong aktibo ang couple sa buhay sa showbiz. Kung updated ka sa bawat post ng dalawa sa kani-kanilang social media account ay malalaman mo talaga kung gaano sila kasaya at kakuntento sa buhay na meron sila ngayon sa likod ng kamera kasama ng kanilang mga chikiting!

Credit: @khsotto Instagram

Isang malaki at masayang pamilya ngayon ang meron si Kristine Hermosa at Oyo Sotto kaya naman todo talaga ang focus at atensyon na ibinibigay nila lalo na’t lumalaki na ang kanilang mga anak na sina Kiel, Ondrea, Kaleb, at baby Marvin.

Bago ikasal si Kristine at Oyo, napagkasunduan nila na mag-ampon ng bata at ito nga si Kristian Daniel o Kiel kung kanilang tawagin na isa nang binata ngayon. Si Ondrea Bliss naman ang unang ‘biological child’ ng couple na sinundan ni Kaleb Hanns noong taong 2014 at baby Marvin Valentin noong 2016.

Credit: @khsotto Instagram

Noon pa man, isa na si Kristine sa mga pinakamagandang aktres sa lokal na industriya ng showbiz kaya naman marami na talaga ang nahuhumaling sa kanya. Isa na nga rito ay ang anak ng Kapuso actor Vic Sotto na si Oyo dahil sa interview kasama si Toni Gonzaga nito lamang February, ibinahagi ng couple ang magandang kuwento ng kanilang pagmamahalan na tila ba’y bago sa pandinig at kaalaman ng karamihan dahil iilan lang talaga ang nakakaalam sa tunay na storya ng dalawa noon.

Ayon kay Oyo, hindi umano sila dumaan ni Kristine sa pinakamababa hanggang pinakamataas na level ng isang relationship. Hindi raw sila dumaan sa pagiging girlfriend at boyfriend pero bigla na lamang daw nag-propose si Oyo kay Kristine.

Credit: @khsotto Instagram

Bagama’t na-shock man sa proposal ni Oyo, hindi naman daw pinagsisisihan ni Kristine na sinagot niya ito dahil ngayon, masaya sila sa kanilang buhay bilang mag-asawa at nagpapasalamat siya dahil nakabuo sila ng malaki at magandang pamilya.

At dahil parehong good-looking, napakaganda rin ni Ondrea at sobrang gwapo nina Kiel, Kaleb, at baby Marvin. Talagang hindi nalilinlang ang genes ng mga magulang dahil makikita naman kung gaano ka-attractive ang mga anak nina Kristine at Oyo.

Ngayon na lumalaki na ang kanilang pamilya, mas nangangailangan pa ito ng atensyon, pag-aalaga, at pagmamahal kaya naman kahit hindi naman masyadong involve ngayon sa industriya ng showbiz, abala at masaya naman si Kristine at Oyo ngayon sa pagkakaroon ng simpleng buhay kasama ang kanilang mga anak.

Ysha Red

error: Content is protected !!