Kilalanin ang lalaking nagpatibok at nagpasaya sa puso ni Herlene Budol

Kilalanin ang lalaking nagpatibok at nagpasaya sa puso ni Herlene Budol

Ngayon ay isa ng sikat na personalidad si Herlene Budol o mas kilala sa pangalan niyang si “Hipon Girl”. Marami na ang umiidolo at humahanga sa kanya lalo na ang mga kabataan dahil napaka-gullible niya. Napaka-natural niya sa harap o likod man ng kamera at talaga namang napakaganda ni Hipon Girl!

Credit: @herlene_budol Instagram

Dahil sa kagandahan at katangian ni Herlene ay marami ang nahuhumaling sa kanya. Nagkaroon ng pagkakataon nang sinakop ng kilig ang programang “Wowowin” nang present ang isang miyembro ng US Navy na si Patrick Bolton.

Dahil isa nang host si Herlene sa nasabing programa ay nagkrus ang landas nina Hipon Girl at Patrick. Dahil sa kanilang pagtatagpo ay kaagad na nakitaan ng potensyal ang dalawa lalo na’t nag-uumapaw ang kanilang chemistry.

Marami ang nagsasabing sobrang bagay nilang dalawa kaya kaagad na may nag-udyok na totohanin ni Herlene at Patrick ang kung ano man ang namamagitan sa kanila sa harap ng kamera pero lingid sa kaalaman ng karamihan ay may nagpapasaya noon kay Herlene sa totoong buhay.

Credit: @herlene_budol Instagram

Matagal na naman palang masaya ang buhay pag-ibig ni Herlene at ito ay dahil sa kanyang boyfriend na si Xam Troy Bello.

Nobyembre noong nakaraang taong 2020 nang ipinagdiwang ng boyfriend ni Herlene na si Xam Troy ang kanyang kaarawan. Dahil dito ay nag-post si Herlene ng birthday greeting sa kanyang Instagram account.

“Hi my bebe loves Happy Happy Birthday sayo, first of all hanggang dulo I LOVE YOUUU 😘,” pagbati ni Herlene sa kaarawan ng boyfriend.

Nangako rin si Herlene na sa kabila ng kasikatang tinatamasa ay hindi niya umano ito iiwan.

Credit: @herlene_budol Instagram

“Eto lang i promise ko sayo kahit sino dumating ikaw pa din pang tv lang sila ikaw pang reality 👩‍❤️‍👨 madami tayong pinagdaanan kaya wapakels na sa mga chismosa at mga manggugulo.”

Sa mismo ring post ay ibinunyag ni Herlene sa publiko na may boyfriend siya dahilan para makilala si Xam Troy ng fans ni Herlene.

“MAY BOYFRIEND AKOOOOOO HINDI PANG TV PANG REALITY ❤ TRUE LOVE,” pahayag ni Herlene.

Credit: @herlene_budol Instagram

Tinuldukan din ni Herlene na walang makakatalo sa kilig na ipinaparamdam ng kanyang boyfriend sa kanya.

“Walang kilig na makakatumbas sa araw araw mong dulot. Sana maging masaya lang tayo.. salamat sa pagpapasaya at pagiging inspirasyon nandito lang ako palagi para sayo MAHAL NA MAHAL KITA MY BEBELOVES Exam Troy Bello.”

Credit: @herlene_budol Instagram

Sa ngayon ay abala si Herlene sa kanyang mga endorsement at pagiging beauty queen. Bukod pa dito ay sinabi din ni Herlene na mas priority niya ngayon ang kanyang career kesa sa love life at dahil dito ay maraming nagtatanong ng totoong estado ng puso ni Herlene.

Ysha Red

error: Content is protected !!