Kilalanin ang tinaguriang lucky charm sa buhay ng aktres na si Andrea Torres

Kilalanin ang tinaguriang lucky charm sa buhay ng aktres na si Andrea Torres

Nasa kay Andrea Torres na yata ang lahat! Kagandahan, kas3xy-han, at pagkakaroon ng mabuting puso, na halos wala ng iba pang mahihiling ang kanyang fans.

Credit: @andreaetorres Instagram

Isa si Andrea Torres sa mga sikat na personalidad sa industriya ng showbiz ngayon. Maliban sa angking kagandahan, napakahusay din ni Andrea pagdating sa pag-arte dahilan kung bakit ganoon na lamang karami ang mga taong umiidolo sa kanya.

Mapa-on at off cam, talagang mapapansin ang mabuting pagkatao ni Andrea. Lingid sa kaalaman ng karamihan, isa ring responsable, mapagmahal, at malambing na “Ate” si Andrea sa nakababatang kapatid.

Credit: @andreaetorres Instagram

Si Andrea ang ikaapat na anak ng kanyang mga magulang. Bagama’t hindi man ang panganay, napaka-responsable pa rin ni Andrea lalo na’t may bunso pa siyang kapatid na si Kenneth. May “special needs” ang bunso ng kanilang pamilya kaya sobra ang atensyon na ibinibigay ni Andrea at ng kanyang pamilya para kay Kenneth.

At dahil hindi naman masyadong nagkakalayo ang agwat ng kanilang edad, si Andrea at Kenneth ang napakaclose sa isa’t-isa. Ayon sa aktres, matagal na umano niyang hinihiling na magkaroon ng mas nakababatang kapatid at nang natupad ito, ganoon na lamang kasaya si Andrea.

Credit: @andreaetorres Instagram

Dahil sa kondisyon ni Kenneth, sobrang hands-on si Andrea sa kapatid. Bagama’t busy man sa trabaho, sinisiguro pa rin ng aktres na nakakapaglaan siya ng sapat na oras para sa bunsong kapatid.

Ayon kay Andrea, si Kenneth umano ang rason kung bakit natuto silang magkakapatid na maging responsable sa napakamurang edad. Sa kabila ng kondisyon ng kanilang bunso, pinatatag daw umano nito ang kanilang pamilya.

“Siguro yung pinaka-impact is naging responsible kami kaagad tapos iyong little things, ma-appreciate mo kasi nakikita mo ‘yung brother mo, hindi niya iyon na-eexper𝔦ence,” ayon kay Andrea.

Credit: @andreaetorres Instagram

May mga bagay umano na hindi nakakayanang gawin ni Kenneth kaya talagang tulungan sila sa kanilang pamilya dahilan kung bakit napakalapit nilang magkakapatid sa isa’t-isa.

“Hindi siya nakakakain ng sol𝔦d food, ‘yung mga ganun. So mas naging pos𝔦tive kami. Mas naging grateful tapos siyempre, mas close yung family kasi nagtutulungan for him,” saad ng aktres.

Ibinahagi rin ni Andrea ang “lowest point” ni Kenneth at ng kanilang pamilya kung saan ay ang inakala nilang normal lamang na pagkatamad ni Kenneth ay isa na palang “org@n fa!lure” na sinamahan nila ng matinding panalangin.

Credit: @andreaetorres Instagram

Sa kasalukuyan ay magaling na naman si Kenneth na siyang labis na ipinagpapasalamat ni Andrea. Sa ibinahaging mga larawan ni Andrea nito lamang Agosto na may caption na, “Lambing 😍 Hehehe” makikita naman na balik-sigla na ang bunsong kapatid ni Andrea.

Artista man para sa kanyang fans, isa naman siyang mapagmahal na Ate sa likod ng kamera.

Ysha Red

error: Content is protected !!