Kilalanin si Katrina Gumabao, ang kapatid ng sikat na aktor na si Marco Gumabao

Kilalanin si Katrina Gumabao, ang kapatid ng sikat na aktor na si Marco Gumabao

Kilala ang mga Gumabao bilang pamilyang puno ng celebrities. Magmula kay Dennis Roldan na isang aktor noong kanyang kapanahunan at basketball player hanggang sa kanyang anak na si Marco Gumabao na isa sa mga kinikilalang mahusay na batang aktor ngayon sa mundo ng showbiz.

Credit: @katgumabao_ Instagram

Hindi lamang natigil ang impluwensya ng ama kay Marco kung hindi ay ganoon din para sa kanyang mga babaeng kapatid katulad na lamang ni Michele Gumabao, isang sikat na volleyball player at noong nakaraang taon lamang ay nagwagi sa titulong Miss Universe Philippines 2020 kung saan ay itinanghal siya bilang 2nd runner up sa malaking pageant competition.

Talaga namang hindi maipagkakaila ang kagwapuhan at kagandahan sa pamilyang Gumabao! Nananalaytay sa kanilang dugo ang magkaroon ng lugar sa mundo ng showbiz. Bukod kay Marco at Michele na parehong kilala sa showbiz ay mayroon rin silang kapatid na si Katrina Gumabao.

Credit: @katgumabao_ Instagram

Katulad ng dalawang kapatid ay namana rin ni Katrina ang magandang mukha sa mga magulang na si Dennis at Loli Imperial-Gumabao.

Nasa industriya ng modeling si Katrina at isa sa mga mahuhusay at magagaling na plus size model ngayon sa fashion industry. Pinatunayan ni Katrina sa lahat na kaya niyang makamit ang gusto sa buhay kahit ano pa man ang katawan mo.

Credit: @katgumabao_ Instagram

Bukod sa pagiging model ay isa ring talented make-up artist at talent manager si Katrina. Talaga namang sobrang dami ng kayang gawin ni Katrina at talagang binibigyang hustisya ang pagiging Gumabao.

Taong 2017 nang sinakop ni Katrina ang news headlines nang napili siyang maging model sa isang sikat na plus-size clothing company na “Torrid” para sa New York Fashion Week matapos matagumpay na nalagpasan ang audition sa top 10 models para maging “Face of Torrid 2018”.

Credit: @katgumabao_ Instagram

2016 naman ng sumali si Katrina sa Melbourne Fashion Week Plus na kinilalang kauna-unahang plus-size festival sa mundo ng fashion.

Nagbahagi rin si Katrina sa kanyang pananaw sa isa sa mga misconception ng mga tao sa plus size models kung saan ay naga-advocate sila ng unhealthy lifestyle. Sa katotohanan ay salungat ito sa inaakala ng karamihan. Sa kanyang Instagram post noong 2017, ibinahagi ni Katrina ang iilan sa kanyang exercise routine.

Credit: @katgumabao_ Instagram

“People think just because I’m a plus size model means I advocate an unhealthy lifestyle. SO. NOT. TRUE. ❌ I try my best to workout 4-5 times a week, 6 if I really have the time. I always try to balance my diet with the right amount of carbs, fat and protein and of course sugarrrrrrr I work on my health because I want to prepare myself for the work and the challenges God has in store for me.”

Credit: @katgumabao_ Instagram

Sa ngayon ay patuloy na pinapalago ni Katrina ang kanyang career bilang isang plus size model sa ibang bansa. Ayon pa sa kanya ay nakipag-debate pa umano siya sa sarili sa magiging susunod na yapak niya. Sa huli ay napagdesiyunan niyang lumabas sa kanyang comfort zone. Umalis siya sa Pilipinas at sinubukan ang kanyang suwerte sa US kung saan mas nadiskubre pa ang kanyang talento sa pagmo-model.

Ysha Red

error: Content is protected !!