Kilalanin si Katz Saga, ang napakagandang asawa ni Joross Gamboa na nagpabago sa aktor

Kilala si Joross Gamboa bilang isa sa mga aktor na matagal na sa industriya ng showbiz. Sumikat si Joross nang mapabilang siya sa unang season ng reality-based talent competition na “Star Circle Quest” kung saan nanalo siya bilang 2nd runner-up.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Para namang isang bukas na libro ang buhay pag-ibig ni Joross habang siya ay aktibo sa showbiz. Ngunit sa rami ng babae na na-link sa kanya, isang babae lang ang bumihag sa puso ni Joross at siya ay si Kathy Kimberly Saga o Katz Saga.
Bago pakasalan ang isa’t isa, 9 na taon munang naging magkasintahan sina Joross at Katz. Sa isang nakaraang interview, inamin ni Joross na hindi siya naging laging faithful kay Katz lalo na sa mga unang taon ng kanilang relasyon. Pero nang pinakasalan na umano niya si Katz ay dito na umano nagbago ang kanyang pananaw sa buhay.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Noong 2014 nang sa wakas ay pinakasalan ni Joross si Katz sa isang Christian wedding kung saan nga ay nagsumpaan silang mananatili sa tabi ng isa’t isa habambuhay.
Sa ngayon naman ay makikitang masayang-masaya sina Joross at Katz sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.
Mas lalo ring naging matatag at napuno ng kaligayahan ang kanilang pagsasama ng dumating sa kanila ang kanilang dalawang anak na sina Jace Kyler at John Kody.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Samantala, sino nga ba si Katz bago siya nakilala bilang ang napakagandang asawa ni Joross?
Base sa kanyang socmed accounts, si Katz ay dating commercial at print model. Ayon din sa isang panayam ni Joross, si Katz ay apo ng kilalang pastor na si Pastor Apollo Quiboloy.
Mas nakilala naman ng marami si Katz bilang isang mapagmahala at supportive na asawa kay Joross. Isa rin siyang hands-on mom sa kanilang dalawang naggwagwapuhang anak.
Kamakailan lamang nang ipagdiwang nina Joross at Katz ang kanilang 7th wedding anniversary kung saan binati nila ang isa’t isa. Kasabay nito ay ibinahagi naman ni Joross ang sikreto kung bakit habang tumatagal ay mas lalong tumatamis at tumatatag ang kanilang marriage.
Credit: @joross_gamboa Instagram
“Happy Anniversary Mahal 7 years Married 13 years together what’s our secret? Keeping God in the Center of our Relationship! “Marriage is NOT a contract, it is a Covenant with GOD,” aniya.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Habang si Katz ay nag-post din ng sweet message sa kanyang Instagram account. Saad niya, “Happy Anniversary Choi! 7 Years together and still feels like it was just yesterday. Hindi magsasawang sabihin kung gaano ako ka-blessed na magkaroon ka sa buhay ko, ikaw ang bato ko. Cheers to forever! Love you!”