Kilalanin si Magui Ford Planas, ang ‘di lamang maganda kundi napakatalino at talented din na anak ni Karla Estrada!

Kilalanin si Magui Ford Planas, ang ‘di lamang maganda kundi napakatalino at talented din na anak ni Karla Estrada!

Si Karla Estrada ay nasa showbiz industry na mula pa noong dekada 80. Matatandaang marami ang humahanga kay Karla dahil sa kanyang husay sa pag-arte at pagkanta. At hanggang ngayon, aktibo pa rin siya sa showbiz bilang isa sa mga host ng Kapamilya morning show na “Magandang Buhay”.

Credit: @magsford Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na maraming puso ang nabihag ni Karla dahil sa kanyang kagandahan. Kaya hindi na nakakagulat na naging makulay ang kanyang buhay pag-ibig kung saan maraming lalaki ang na-link sa kanya.

Isa na rito ang ama ni Kapamilya actor Daniel Padilla na si Rommel Padilla. Nagmana naman talaga si Daniel sa kanyang mga magulang, bukod sa guwapo, may angas at karisma rin siya pagdating sa pag-arte. Kaya naman proud na proud si Karla sa tuwing siya ay tinatawag na ‘ina ni Daniel’.

Tunay na masayahin at proud na ina si Karla pagdating sa kanyang mga anak. Maliban naman kay Daniel, may isa pang anak si Karla na kanya ring ipinagmamalaki. Siya si Margaret Ford Planas na anak naman ni Karla sa kanyang dating partner na si dating Quezon City councilor Mike Planas.

Gaya ng kanyang mga kapatid, hindi rin magpapahuli sa ganda si Magui na hindi maikakailang nakuha niya sa kanyang Mommy Karla. Kapansin-pansin ito sa kanyang mga ipino-post na larawan at video sa social media. Kahit nga hindi pumasok sa showbiz, instant celebrity naman kung maituturing si Magui dahil sa dami ng kanyang followers sa social media. Sa ngayon, pumalo na sa 1 million ang followers ni Magui sa Instagram.

Credit: @magsford Instagram

Samantala, bukod sa maganda, madalas din na ipinagmamalaki si Magui ng kanyang pamilya lalo nang kanyang ina dahil sa kanyang mga tagumpay sa paaralan. Noong nakaraang taon, nagtapos si Magui ng Senior High School na may mataas na marka. Natanggap din siya sa isang prestihiyosong unibersidad sa Australia na University of Melbourne kung saan siya nakatakdang magko-kolehiyo. Sa isang post sa Instagram, hindi maiwasan ni Karla na maging proud dahil sa mga achievement ng kanyang magandang anak.

Credit: @magsford Instagram

Ngunit hindi lang “beauty and brains” si Magui dahil “talented” din siya.

Alam ng libu-libong tagahanga niya sa social media na marunong tumugtog ng maraming instrumento si Magui gaya ng gitara at piano. At tulad ng maraming kabataan, si Magui ay aktibo sa TikTok at miyembro din ng fandom ng K-pop boy band na BTS.

Credit: @magsford Instagram

Sa kabila naman ng kanyang kasikatan at pagkakaroon ng ina at kapatid na nasa showbiz, mukhang wala pa sa isip ni Magui ang pumasok sa pag-aartista at abala siya ngayon sa kanyang pag-aaral at pagtupad sa kanyang mga pangarap.

Ysha Red

error: Content is protected !!