Kilalanin si Rere Madrid, ang maganda at modelong kapatid ng Kapuso aktor na si Ruru Madrid

Sa mundo ng showbiz ay kilala ng karamihan ang pangalang Ruru Madrid. Isa siya sa mga binatang artista sa showbiz na talaga namang hinahangaan at sinusubaybayan ng karamihan. Marami ring puso ng mga babae ang kanyang nanakaw at napapakilig dahil sa taglay nitong kagwapuhan.
Credit: @athenahmadrid Instagram
Bukod sa looks ay mahusay din si Ruru sa pag-arte akung kaya’t marami na siyang pelikulang nasalihan at ngayo’y love team partner ni Gabbi Garcia.
Nagsimulang madiskubre si Ruru Madrid nang naging isang runner-up sa reality talent competition na Protégé: The Battle for the Big Artista Break. Magmula noon ay nakatanggap siya ng maraming proyekto katulad na lamang ng My Destiny, Dormitoryo, at marami pang iba.
Credit: @athenahmadrid Instagram
Mayroong ding kapatid ang sikat na young actor na si Ruru na pasado rin upang maging artista katulad niya. Katulad ni Ruru ay nabiyayaan rin ang kanyang youngest sister na si Athena “Rere” Madrid ng angking kagandahan. Bukod dito ay matangkad rin si Rere at sobrang ganda ng katawan na pasok sa mundo ng modeling.
Credit: @athenahmadrid Instagram
Pagkatapos ng kanyang stint sa StarStruck, isang programa sa GMA Network, nagsimula siyang sinubaybayan ng netizens at sa murang edad ay mayroon ng sariling fanbase.
Credit: @athenahmadrid Instagram
Bukod sa taglay na kagandahan ay makikitang maayos ang postura ni Rere ayon sa mga larawang ibinbahagi niya sa kanyang Instagram account. Sa tangkad na 180 cm, talaga namang may lugar siya sa mundo ng modeling.
Taong 2018 nang unang ipinamalas ni Rere ang galing niya sa pagmo-model sa Bench Fashion Show: 2018 Holiday Collection. Inaasahan naman ng kanyang mga fans ang kanyang magandang kinabukasan sa modeling industry.
Credit: @athenahmadrid Instagram
Close rin si Rere sa love team partner ng kanyang Kuya Ruru na si Gabbi Garcia pati na rin sa nakababatang kapatid ni Gabbi na si Alex. Bukod sa naipamalas na kahusayan sa pagmo-model ay magaling rin siyang kumanta. Talaga namang napaka-talentado ni Rere!
Sa ngayon ay maraming umaasa para kay Rere na pumasok ng tuluyan sa mundo ng showbiz at makita sa TV shows at movies kinabukasan.