Kili-kili ni Neri Miranda sa kanyang Instagram post, agaw-pansin at usap-usapan ng netizens

Kili-kili ni Neri Miranda sa kanyang Instagram post, agaw-pansin at usap-usapan ng netizens

Marami nang magagandang mukha at nagseseksihang katawan na celebrities sa lokal na industriya ng showbiz ngayon ngunit kapag usapang kili-kili, talagang agaw pansin ngayon ang kay Neri Miranda sa latest post nito sa Instagram.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Sa kasikatang tinatamasa ni Neri Miranda sa kabuuan ng kanyang career bilang isa sa mga kinikilalang mahuhusay na aktres, kaliwa’t kanan talaga ang natatanggap niyang achievements ngunit dahil sa ibinida niyang maputing kili-kili kumakailan lamang, deserve rin ng aktres na manalo ng isang award!

Maliban sa adorable na posisyon ni Neri at ni baby Cash sa pinakabagong larawan na ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram account, agaw-pansin din ang kanyang makinis at maputing kili-kili dahilan kung bakit marami sa netizens ang nakapagtanong ng, “Hindi ba kakapanganak lamang ni Neri?”

Buwan ng October noong nakaraang taon nang isinilang ni Neri ang ikatlong anak nila ni Chito Miranda at imbes na makaranas ng pangingitim sa iilang bahagi ng katawan katulad ng karamihan sa mga kababaihan kapag kakatapos lamang manganak, kabaliktaran naman nito ang nangyari sa 38 taong gulang na aktres kaya naman hindi naiwasan ng netizens na purihin ang kili-kili ni Neri.

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

Iilan lamang ito sa mga nakakagiliw na komento ng netizens:

“Sana all maputi ang kilikili kahit kakapanganak pa lang 🙌”

“kainis! makinis pa ung kili kili mo kesa sa mukha ko! hahaha! 😅”

“Grabe sana ganyan kilikili after ko manganak.. hahaa grabe ang puti.. haaha”

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Wow ang puti ng kilikili ng momma 😍”

“Importante dyan laging camera ready ang kili kili ❤️”

Marami naman ang nagpahayag ng kanilang nakakatawang biro tungkol sa sikreto ni Neri sa likod ng kanyang maputing kili-kili.

“Pahiram ng deodorant mo. Miss @mrsnerimiranda beke nemen”

Credit: @mrsnerimiranda Instagram

“Reveal naman dyan ng secret ng kili-kili!! ❤️❤️🔥🔥🔥🔥🔥🔥🔥😍😍😍”

Hindi man nakapaghanda at nagkaroon ng pagkakataon na maka-strike ng pose habang kinukuhanan sila ng larawan ni baby Cash, super ready naman ang kili-kili ni Neri!

Bukod sa cuteness na hatid ng larawan nilang mag-ina, talagang winner pa rin sa atensyon ng netizens ang kili-kili ng aktres.

Ysha Red

error: Content is protected !!