Kilig mula sa engagement ni Robi Domingo at Maiqui Pineda, abot mula Japan hanggang Pinas!

Kilig mula sa engagement ni Robi Domingo at Maiqui Pineda, abot mula Japan hanggang Pinas!

Kapag update ng ating iniidolong celebrity ay wala talaga tayong kinikilalang distance lalo na kapag isang life-changing at nakakakilig na balita lang naman ang ating nasasagap kaya para sa fans ni Robi Domingo diyan, kumusta ang ating mga puso ngayon?

Credit: @iamrobidomingo Instagram

Kasalukuyan ngayong nagbabakasyon sa Japan si Robi Domingo at ang kanyang non-showbiz na girlfriend na si Maiqui Pineda kasama sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Zanjoe Marudo, Ria Atayde, at Joshua Garcia upang sulitin ang kanilang Halloween break pero taliwas sa pag-aakala ni Maiqui na mamamasyal lamang sila sa streets ng Shibuya, Tokyo ay laking gulat niya nang nakita ang biglang pagluhod sa kanyang harap ng boyfriend sabay pakita ng singsing.

Shookt man sa pangyayari, hindi naman napigilan ni Maiqui na maging emosyonal sa proposal ni Robi at kaagad na ibinigay ang kanyang sweet na “oo” dahilan kung bakit todo talaga ang hiyawan ng mga taong saksi sa precious at wholesome nilang moment.

Credit: @iamrobidomingo Instagram

Sa video na ibinahagi ng isang journalist na si MJ Felipe sa Twitter, mararamdaman talaga ang chemistry na namamagitan sa dalawa kaya kahit nasa ibang bansa man sila ngayon ay ramdam na ramdam pa rin ng kanilang fans ang kilig na hatid ng couple.

Sa nakaraang mga taon, hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na mayroong babaeng labis na nagpapasaya sa Flipino VJ at host at sa mahigit apat na taon nilang relationship ay lowkey lamang silang dalawa pero kahit na’y ganoon, hindi naman ipinagdadamot ni Robi ang kuwento sa kanilang pagmamahalan dahil sa mga storyang nabanggit niya sa iilang interview, ibinahagi niyang batchmates umano sila ni Maiqui ‘nung college pero hindi umano sila naging kaibigan hanggang muli nga na nagkatagpo ang kanilang landas sa isang party na hindi umano sana niya dadaluhan.

Sa interview niya sa “Magandang Buhay” nito lamang nakaraang taon, inilarawan ni Robi si Maiqui bilang isang pambihirang babae na habangbuhay umano niyang mamahalin at dahil sa pagiging “head over heels” niya sa kasintahan, hindi na talaga mapigilan ng kanyang fans na subaybayan ang kanilang relationship.

“Si Maiqui may some sort of magic na hindi ko in-expect. Iyong mga bagay na hindi ko alam, napupunan niya at tsaka meron siyang mga hirit na bigla na lang akong napapatawa. Hindi siya komedyante pero everytime na nagsasalita siya, iba ‘yung happiness ko,” pahayag ni Robi.

“Hanggang ngayon, I love her and I’m inlove with her.”

Isa lamang ang love story ni Maiqui Pineda at Robi Domingo sa mga patunay na wala talagang ideal na panahon o timing ang pagdating ng ating “true love”.

Ysha Red

error: Content is protected !!