Kim Chiu, feeling blessed dahil sa bagong ‘blessing’ na kanyang natanggap!

Kim Chiu, feeling blessed dahil sa bagong ‘blessing’ na kanyang natanggap!

Naging makulay at tila isang roller coaster ride ang taong 2021 para sa “Chinita Princess” na si Kim Chiu. Bagama’t maraming pagsubok ang dumating sa kanyang buhay, feeling blessed at nagpapasalamat pa rin si Kim dahil sa umaapaw na biyayang natanggap niya noong nakaraang taon.

Credit: Kim Chiu Ph YouTube

Sa kanyang vlog, ikwinento ni Kim ang highlights ng kanyang 2021 tulad ng pagiging ambassador niya sa ilang malalaking brand tulad ng isang international clothing brand at online shopping mall company.

Hindi rin makakalimutan ni Kim ang pagdiriwang niya ng kanyang 1 year anniversary bilang host ng “It’s Showtime” at ang pagsabak niya sa “Magpasikat” kung saan itinanghal siyang grand champion.

At bukod sa maraming proyektong natanggap niya noong 2021, isa rin sa ipinagpapasalamat ni Kim ay ang kanyang newly acquired property na una niyang ipinakita sa kanyang vlog.

Credit: Kim Chiu Ph YouTube

Mangiyak-ngiyak sa tuwa na saad ni Kim sa kanyang vlog, “And lastly, nakatanggap ako ng blessing bago matapos ang 2021. Pangarap ko talagang magkaron ng ganito,”

Dagdag ni Kim, “With a little bit of hard work and patience and a little bit of dream” ay na-achieve niya ang kanyang pinapangarap na property.

Samantala, ibinunyag din ni Kim ang mga hamon na kinaharap niya noong nakaraang taon at isa na rito ang pagkakaroon niya ng maraming b@shers.

Pag-amin ni Kim, “Marami akong hinarap na challenges. Personally, siyempre, nandiyan talaga ‘yung mga bashers. Siyempre, sa Showtime, everyday ako nagsasalita, everyday may lumalabas sa bibig ko na hindi ko namamalayan…So may mga words ako dun na nagagalit ‘yung ibang tao na parang napapadaan lang siya sa bibig ko.”

Credit: Kim Chiu Ph YouTube

Bukod sa pagkakaroon ng b@shers, ibinunyag din ni Kim na malaking hamon para sa kanya nang magpositibo siya sa c0v!d early last year.

Ngunit sinabi ni Kim na marami siyang aral na natutunan mula sa mga karanasan niya noong 2021.

“Du’n ko na-realize na life is really short nu’ng nakul0ng ako ng 10 araw sa kwarto ko. Ang bilis ng buhay, like life is really precious na dapat nating i-treasure to every single day. Never missed a day na hindi mo nagagawa ang gusto mong gawin. Kung ano ‘yung gusto mong gawin, gawin mo na,” saad ni Kim.

Dagdag dito, iginiit ni Kim na natutunan niya sa taong 2021 na harapin ang mga bagay na kanyang kinakatakutan. Dahil umano rito, kaya masasabi niyang mas naging matapang at matatag siya bilang isang tao.

Credit: Kim Chiu Ph YouTube

“Learnings ko (this) 2021 is huwag kang matakot sa mga bagay na natatakot ka. Hindi ka dapat matakot sa mga bagay na kinakatakutan mo kasi sa sarili mo lang ‘yun eh…Life will just scare you for you to be strong and para patatagin ka pero kapag nalampasan mo ‘yun, whoa! sarap (ng) buhay,” ani Kim.

Ysha Red

error: Content is protected !!