Kim Chiu, ibinahagi sa netizens ang recipe sa kanyang avocado tortilla wrap

Gustong tuparin ang matagal nang hiling ng fans na makita ang laman sa refrigerator ni Kim Chiu, walang pagdadalawang-isip na ipinasilip ito ng aktres.
Credit: Kim Chiu PH YouTube
Of course, bilang isang aktres na may kakayahang makabili ng mga mamahaling bagay, expected na punong-puno rin ang laman ng ref nito. Kagaya na lamang ng aktres na si Kim Chiu na masayang ipinakita sa netizens ang mga pagkain at drinks na nasa loob ng kanyang ref.
Matapos ipasilip ang laman ng ref, nakaramdam ng pagod at gutom si Kim dahilan kung bakit napagdesisyunan niyang gumawa ng “avocado tortilla wrap” bilang dinner. Maliban sa pagpapasilip ni Kim sa laman ng kanyang ref, ibinahagi rin ng “It’s Showtime” host ang sariling recipe sa paggawa ng avocado tortilla wrap.
“Sakto! Dahil hindi pa ako nagdi-dinner, so samahan niyo ‘kong gumawa ng dinner. Usually ‘pag dinner, dapat light o minsan kinakain ko ito ‘pag breakfast but now, I will take you to… sa paggawa ko ng avocado tortilla wrap,” pahayag ni Kim.
Bilang paghahanda, kumuha si Kim ng mga gagamiting sangkap sa kanyang ref: malaking avocado, tortilla wrap, itlog, cheese, at tuna.
Credit: Kim Chiu PH YouTube
Unang ginawa ni Kim ay ang pascra-scrape sa avocado at inilagay ito sa isang bowl. Nang na-achieve na ang katatamtamang init ng tortilla wrap sa pan, ipinatong niya ang avocado at cheese.
Nang matapos sa pagluluto ng kanyang “tuna omelet,” inilagay ito ni Kim sa ibabaw ng tortilla wrap kasama ng avocado at cheese.
“At nandito na ‘yung food natin! Oh di’ba? In less than five minutes, meron ka ng meal,” masayang saad ni Kim.
Credit: Kim Chiu PH YouTube
Sinamahan ng kanyang paboritong softdrinks ang kanyang “Kim Chiu’s avocado tortilla wrap,” enjoy na enjoy ang aktres sa bawat kagat ng kanyang masarap na dinner.
Maaalala rin kumakailan nang ibinahagi ni Kim Chiu ang vlog sa YouTube kung saan ay ipinasyal niya ang kanyang subscribers sa loob ng kanyang condo. Ayon sa aktres, “hideout” umano niya ito hanggang sa ibinahagi niya ang existence nito sa publiko.
Namamalagi ngayon sa kanyang condo, masayang iginugol ni Kim Chiu ang bawat oras niya sa paggawa ng mga makabuluhang bagay na nagpapasaya sa kanya.
Credit: Kim Chiu PH YouTube
Of course, kahit nasa condo man at wala sa harap ng telebisyon, nagagawa pa rin ng aktres na makapaghatid ng good vibes katulad na lamang ng ginawa niyang vlog na pinamagatan niyang, “What’s Inside my REF!” na talagang naghatid ng kaligayahan sa kanyang fans.