Kim Chiu, ipinasilip ang nakakamanghang refrigerator ni Dra. Vicki Belo na punumpuno ng maraming imported chocolates

Napuno ng “wow moments” ang pinakabagong vlog ng “It’s Showtime” host na si Kim Chiu matapos niyang makita kung ano ang nasa loob ng dalawang refrigerator ng sikat na dermatologist at vlogger na si Vicki Belo.
Credit: Kim Chiu PH YouTube
Pinuntahan mismo ni Kim kamakailan lang si Dra. Vicki sa bahay nito para alamin kung totoo nga bang punumpuno ng imported chocolates ang mga refrigerator nito.
Sa simula ng kanyang vlog, ibinunyag ni Kim na pangarap na niya noon pa man na hindi pa siya artista na makita ang laman ng refrigerator ni Dra. Vicki.
At ngayong artista na siya, hindi nga pinalampas ni Kim na ma-raid mismo ang refrigerator ni Dra. Vicki.
Credit: Kim Chiu PH YouTube
Hindi na naitago ni Kim ang kanyang pagkamangha nang buksan niya ang dalawang refrigerator ni Dra. Vicki at makita itong puno ng iba’t ibang klase ng tsokolate.
Halos hindi mabilang ang dami ng imported chocolates na makikita sa refrigerator ni Dra. Vicki na labis na nagpa-wow kay Kim.
“Hala, imported hindi mga flat tops lang,” tuwang-tuwang reaksyon ni Kim.
Credit: Kim Chiu PH YouTube
Samantala, nagkwento naman si Dra. Vicki tungkol sa kanyang hilig sa tsokolate. Aniya, isa ito sa mga nagpapasaya sa kanya.
“It’s something that makes me so happy and it’s not mahal kesa bumili pa ako ng maraming bag,” ani Dra. Vicki.
Lingid sa kaalaman ng marami, ang paboritong tsokolate ni Vicki ay gawa ng sikat na French Chocolatier na si Jean-Paul Hévin na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 6 Euro bawat piraso o P360.
Matapos ang kanyang ref raid, sumabak muna sa isang “Fact or Myth” question and answer portion tungkol sa beauty sina Kim at Dra. Vicki.
Credit: Kim Chiu PH YouTube
Bago naman magtapos ang vlog ni Kim ay sinurpresa siya ni Dra. Vicki ng isang mamahaling regalo na walang iba kundi isang Louis Vuitton bag!
Sa kanyang Instagram post, taos-pusong pinasalamatan ni Kim si Dra. Vicki.
Credit: Kim Chiu PH YouTube
Saad ni Kim, “Hindi pa ako nag showbiz napanood ko na ang laman ng ref ni doc Belo sa TV in one of her interviews kaya now finally i’ll get to see it myself. Amaze na amaze talaga ako nito dati pa, kaya now pumayag si dra @victoria_belo na puntahan ko sha sa bahay nila.”
“Plus I get to ask mga beauty questions kung FACT OR MYTH at eto pa may advance Christmas gift pa ako. BONGGA!!! hihihi so kilig! Busog na busog hindi lang ang tyan ko, pati na ang puso ko love you dra BELO! #ProudBELObaby here,” dagdag ni Kim.