Kimpoy Feliciano, masayang ipinasilip ang kanyang bagong biling P18million “ultramodern” house

Ibinahagi ng celebrity vlogger na si Kimpoy Feliciano sa kanyang YouTube channel ang kanyang bagong bili na magarbong bahay sa San Mateo Rizal.
Credit: Kimpoy Feliciano YouTube
Sa nasabing vlog, ipinakita ng celebrity vlogger ang view ng bahay sa umaga pati sa gabi. Ipinasilip din ni Kimpoy ang bawat bahagi ng kanyang bagong bahay na sinimulan n’ya mula sa labas.
Credit: Kimpoy Feliciano YouTube
Sinabi nitong nagustuhan niya sa bahay ang high-ceiling na living room at ang glass wall nito.
Credit: @kimpoyfeliciano Instagram
Pagpasok sa gate ay bubungad ang garden na ayon kay Kimpoy ay napakalinis tingnan at nagbibigay ng magandang background na kanyang kailangan sa tuwing gagawa siya ng mga video at pictorial para sa mga produktong kanyang ipi-feature.
Credit: Kimpoy Feliciano YouTube
Ang garahe naman ay mayroong dalawang carport na sakto para sa kanyang bagong Ford Everest.
Ipinasilip din ni Kimpoy ang lanai kung saan sinabi nitong doon sila maaaring magbonding ng mga barkada dahil sa pagkakaayos nitong parang bar na may nakaready nang videoke at lightings set-up. Excited din si Kimpoy na lagyan ng mga halaman ang hydroponic wall dito na lalong magpapaganda sa ambiance.
Credit: Presello YouTube
Sa pagpasok sa bahay, ipinakita din ng celebrity vlogger ang smart lock ng pintuang gawa sa narra. Unang bumungad ang high-ceiling na living room at malalaking glass window na isa sa nagustuhan niyang feature ng bahay.
Ang mga furniture at appliances ay kasama na nang bilhin ni Kimpoy ang bahay.
Credit: Presello YouTube
Maganda rin ang pagkakaayos sa dining area na may malaking mesa at magandang lighting set-up. Ayon sa binata, nang makita n’ya ang bahay ay naimagine n’ya agad ang kanyang pamilya na kumakain sa napakagandang dining area na iyon.
Sa gilid ng dining area ay may malaking sliding door na kapag binuksan ay diretso sa lanai. Napakaluwag din ng kusina na maraming cabinet at naroon din ang pangarap ni Kimpoy na two-door refrigerator.
Credit: Presello YouTube
Mayroong tatlong kwarto sa taas na may tig-iisang aircon at comfort room. Ang master’s bedroom ay mayroong walk-in closet.
Hindi binanggit ni Kimpoy ang halaga ng kanyang bahay, subalit ayon sa real estate service channel na Presello na noo’y nagfeature dito, ang “sophisticated ultramodern house” na ito ay nagkakahalaga ng PhP18 million.