Kimpoy Feliciano, nais magsilbing inspirasyon sa kanyang fans ang lahat ng kanyang accomplishments sa buhay

Sa pag-angat natin sa kaginhawaan, importante na huwag nating malimutan ang lahat ng paghihirap at struggles na minsan nating napagdaanan dahil kalakip ng karanasang ito ay lessons na hinding-hindi mapapalitan ng kahit anong materyal na bagay. Imbes na lumaki ang ulo at huwag lumingon sa pinanggalingan katulad ng ibang tao, nananatili namang humble si Kimpoy Feliciano sa kabila ng sandamakmak niyang achievements sa buhay.
Credit: @kimpoyfeliciano Instagram
Sa likod ng tagumpay ng vlogger-actor na si Kimpoy Feliciano, anu-ano nga ba ang struggles na minsan na niyang pinagdaanan sa buhay bago pa man niya nakamit ang tinatamasang kasikatan ngayon?
15 anyos pa lamang si Kimpoy nang napagdesisyunan ng kanyang pamilya na lumipat sa Dunedin, New Zealand at kahit na’y ang purpose man ng kanilang migration ay magkaroon ng mas maraming opportunities at mas magandang buhay, inilarawan naman ito ni Kimpoy bilang “…was one of the saddest days in my life.”
Dahil sa kanyang pangungulila sa kanyang nakagisnang buhay sa Pilipinas, nadiskubre ni Kimpoy ang iilan sa networking sites makalipas ang apat na taon na siyang naging paraan niya upang panatilihin ang communication niya sa kapwa mga Pinoy ngunit ang noo’y simpleng reconnection ay nagdulot sa kanya upang maging isang Internet star at simula nga ‘nun ay nagtuloy-tuloy na ang kanyang pagsikat.
Credit: @kimpoyfeliciano Instagram
Sa kasalukuyan, isa si Kimpoy sa mga nangungunang Pinoy vloggers at may higit isang milyong subscribers sa Youtube. Dahil sa kanyang dedication sa paggawa ng vlogs na may makabuluhang contents, nagawa niyang maisakatuparan ang lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay hanggang napabilang na nga siya sa showbiz bilang isang aktor.
Sa maraming taon na pananatili niya bilang isang Youtuber at pagpapatuloy sa kanyang career bilang aktor, kaliwa’t kanan talaga ang kanyang achievements. Sa katunayan, muli na namang siyang nakabili ng bagong property at ito ay isang two-storey at fancy na bahay sa Tagaytay!
Credit: @kimpoyfeliciano Instagram
Sa vlog na ibinahagi niya kumakailan lamang, ipinasilip niya sa netizens ang kagandahan ng bagong bili niyang bahay at sa kabila ng magkakasunod niyang achievements, nananatili namang humble si Kimpoy at gusto niya na magsilbi umanong inspiration sa karamihan ang kanyang accomplishments.
“Masasabi ko lang, keep dreaming,” advice ni Kimpoy.
“Nothing is impossible. Kayang-kaya niyo rin ‘yan, guys basta tuloy-tuloy lang and huwag kayong mawawalan ng pag-asa.”
Credit: @kimpoyfeliciano Instagram
Dagdag pa niya, “Sana ma-inspire kayo sa mga ginagawa ko.”
Dahil sa matindi niyang pagpupursige, ibinibigay na oras at effort, nagagawa na ngayon ni Kimpoy Feliciano na maisakatuparan ang kanyang mga pangarap at sa kabila ng kanyang accomplishments, nais niyang magsilbing inspirasyon ang mga itp at hindi intimidation para sa kapwa niya dreamers.