Kiray Celis, muling niregaluhan ng bago at mas magandang motor ang kanyang kuya

Kiray Celis, muling niregaluhan ng bago at mas magandang motor ang kanyang kuya

Talagang walang katapusan ang generosity at kabaitan ni Kiray Celis dahil sa pagsapit ng kapaskuhan, muli na naman niyang sinurpresa ng bagong motor ang nakatatandang kapatid!

Credit: @kiraycelis Instagram

Nang pinasok ang industriya ng showbiz sa napakamurang edad, pinatunayan na ni Kiray ang kanyang kahusayan sa larangan ng pag-arte. Unang nakilala sa “Goin’ Bulilit,” dito nadiskubre ang potential ni Kiray bilang isang mahusay na aktres dahilan kung bakit napakaraming naghihintay na proyekto at opportunities sa kanya. Marami namang taon ang lumipas, nananatili pa rin ang kasikatan ng aktres at kahit na sa patuloy na tinatamasang success, patuloy pa rin na pinatutunayan ni Kiray ang sarili na deserved niya ang anumang meron siya ngayon.

Credit: @kiraycelis Instagram

Madalas na nakikita sa harap ng kamera bilang isang mahusay na aktres na palaging nagbibigay ng good vibes sa fans, talagang walang kahit anong pagbabago kay Kiray kapag nasa likod na ng kamera dahil maliban sa pagiging successful na aktres, isa rin siyang responsableng anak sa kanyang mga magulang at mapagmahal na kapatid. Hindi rin lingid sa kaalaman ng karamihan na si Kiray ang bread winner ng kanilang pamilya dahilan kung bakit labis siyang hinahangaan ng kanyang fans.

Credit: @kiraycelis Instagram

Abala man sa kanyang career, malaki pa rin ang pagpapahalaga ni Kiray sa kanyang pamilya. Maliban sa pagma-manage ng kanilang finances, mahilig din siya sa pagbibigay ng regalo sa bawat miyembro ng kanyang family at isa na nga sa nakatanggap ng gift mula kay Kiray ay ang kanyang Kuya na isang construction worker.

Credit: @kiraycelis Instagram

Buwan ng October nang sinurpresa ng aktres ang kanyang Kuya ng Honda Click bilang paraan niya upang ipahayag na proud siya sa kasipagan ng nakatatandang kapatid sa pagtatrabaho ngunit hindi lamang dito nagtatapos ang pagiging generous ng aktres. Muli na namang sinurpresa ni Kiray ang kapatid ng bago at mas magandang motor bilang regalo niya sa pagsapit ng pasko.

Talagang tinupad ni Kiray ang kanyang pangako na kapag nakaipon na umano siya ng mas malaki-laki, bibilhan niya ang kapatid ng mas magandang motor.

“3 months ago, binilhan ko siya ng honda click. Pero sabi ko sayo pag nakaipon nako ulit, papalitan natin agad ng mas maganda at yung gusto mo na talaga,” saad ni Kiray.

Credit: @kiraycelis Instagram

Dagdag pa ni Kiray, “Kaya, eto na! Merry merry christmas sa kuya kong pogi. sarap talaga ng pasko mo. Ako, EGUL! HAHAHAHAHAHA! 😂❤️”

Ysha Red

error: Content is protected !!