Kiray Celis, nilinaw na hindi engagement ring ang ibinigay na singsing ng kanyang nobyo

Kiray Celis, nilinaw na hindi engagement ring ang ibinigay na singsing ng kanyang nobyo

Oopss, maling akala. Ito ang paglilinaw ni Kiray Celis tungkol sa natanggap niyang singsing sa non-showbiz niyang boyfriend.

Credit: @kiraycelis Instagram

Mula pa man noon, hindi na talaga nawawala ang singsing sa tuwing nagpo-propose ang isang lalaki sa kanilang girlfriend dahil nagsisilbi lang naman itong simbolo sa magkakaugnay nilang pagmamahalan pero maliban sa ginagamit ito kapag hihingi sa kamay ng babae, pwedeng-pwede rin pala itong magsilbing material na assurance sa pagitan ng isang couple kahit na’y wala pa man sa kanilang plano soon ang pagpapakasal.

Wala talagang relationship na nagtatagumpay magically at automatically dahil kinakailangan lang naman ng mabuting pagkakaunuwaan, paglalaan ng sapat na atensyon at oras lalong-lalo na ang pagbibigay ng pagmamahal kaya hindi talaga madali para sa mga artista na basta-bastang pumasok sa isang relationship dahil sa pagiging abala nila sa kanilang career pero ibahin niyo ang nag-iisang Kiray Celis dahil tila’y natural lang naman para sa kanyang panatilihing healthy ang relationship nila ng kanyang boyfriend na si Stephan dahil kahit ilang taon na silang nagsasama bilang couple ay nasa honeymoon na phase pa rin sila kaya hindi talaga naiwasan ng karamihan na mapatanong kung ano nga ba ang sikreto nilang dalawa sa pagkakaroon ng magandang relationship.

Credit: @kiraycelis Instagram

Ano nga ba kaya?

Hindi talaga nawawala sa isang relationship ang pagkakaroon ng challenges. Minsan habang tumatagal ay unti-unti na ring nawawala ang kilig kaya importante talaga ang pagkakaroon ng constant na assurance, effort, at pagpaparamdam sa ating pagmamahal dahil sa pamamagitan ng mga ito, mas tumitibay talaga ang isang couple katulad na lamang ni Stephan na hindi kailanman nabigong pasayahin at buhayin ang kilig sa sistema ni Kiray dahil sa kanyang mga matatamis na salita, pinaninindigang pangako pati na rin sa bawat niya actions.

Credit: @kiraycelis Instagram

Masarap talaga pakinggan kapag pinapaulanan tayo ng “words of affirmation” pero kakaiba pa rin talaga sa pakiramdam kapag may representation nito katulad ng singsing o kung tawagin ni Stephan na “promise ring” na siyang simbolo sa kanyang pagmamahal at katapatan para kay Kiray.

Sa post ni Kiray sa Instagram nito lamang nakaraang Linggo, flex niya sa bawat larawan ang ibinigay na “promise ring” ng boyfriend sa trip nila sa Disneyland sa Tokyo, Japan.

Credit: @kiraycelis Instagram

“The happiest girl in the happiest place on earth. Thank you for loving me @stephan.estopia! Salamat sa singsing! 😢,” sulat ng aktres sa kanyang caption.

Sa life update na ito ni Kiray, marami naman ang kaagad na humirit na engaged na ang couple na kaagad namang nilinaw ng actress-comedienne na sinmpleng “promise ring” lamang ang ibinigay ng boyfriend.

“Btw promise ring lang po ito. Wag macarried away,” paglilinaw niya.

Credit: @kiraycelis Instagram

Bagama’t nasa tamang edad na si Kiray upang magpakasal, tila’y wala pa naman sa plano ng lovebirds ang mag-settle down lalo na’t sobrang dami pa nilang gustong gawin sa buhay plus mas gusto pa nilang ma-enjoy pa ang company ng isa’t-isa bilang magjowa.

Miss Kiray pa muna at hindi misis!

Ysha Red

error: Content is protected !!