Kisses Delavin, muling umangat sa “Intro Video challenge” ng Miss Universe Philippines 2021

All out si Kisses Delavin sa Miss Universe Philippines 2021!
Nito lamang Hulyo nang kinumpirma ni Kisses ang matagal-tagal na usapan na siya’y sasali sa Miss Universe Philippines ngayong taon. Lingid sa kaalaman ng karamihan, noon pa lamang ay nakasanayan na ni Kisses ang pagsali sa mga pageants. Dahil dito ay masasabi na hindi na bago para sa kanya ang pageantry.
Credit: @kissesdelavin Instagram
“Hello Universe!” pahayag ng 22 taong gulang na aktres sa kanyang caption. Sa ibinahaging maikling video kung saan ay makikitang nagpa-practice siya ng kanyang paserala ay masasabi na ready si Kisses makipaglaban sa ibang mga kandidata at makuha ang titulo ng Miss Universe Philippines 2021.
Credit: @kissesdelavin Instagram
Kilala man bilang isang aktres sa industriya ng showbiz ay pinatunayan ni Kisses ang sarili sa sinalihang malaking kompetisyon. Matapos mag-top 1 sa “Headsh0t Challenge” ay muling nanguna ang “Pinoy Big Brother” housemate na si Kisses sa pangalawang round ng Miss Universe Philippines na “Intro Video Challenge”.
Credit: @kissesdelavin Instagram
Kabilang sa napiling Top 15 na inilabas ng Miss Universe Philippines organization noong Sabado, Agosto 7 ay sina Ayn Bernos, isang kilalang personalidad sa social media at Maureen Wroblewritz na siyang nagwagi sa “Asia’s Next Top Model” noong taong 2017.
Sa video ay hindi ipinakilala ng aktres ang sarili bilang si Kisses Delavin, isang artista. Sa halip ay ipinakilala niya ang sarili sa kanyang buong pangalan at proud na inirepresenta ang kanyang hometown na Masbate.
Credit: @kissesdelavin Instagram
“Hello, Universe! My name is Kirsten Danielle Delavin,” pagpapakilala ni Kisses sa sarili.
Sa kanyang isang minuto na video ay ibinahagi rin ni Kisses ang importanteng mga detalye sa kanyang personal na buhay. Bukod sa pagiging artista ay napagsasabay pa rin ni Kisses ang kanyang pag-aaral. Maliban sa pag-arte ay may talento rin si Kisses pagdating sa pagkanta, pagsayaw, at pagre-record ng music.
Credit: @kissesdelavin Instagram
Ibinunyag din ni Kisses na mahilig siya sa pagkain na kung tawagin niya ang sarili bilang isang “food lover.”
“A fun fact about me is that I am a food lover. I love rice. I love ulam, all kinds of ulam and everything in between,” sabi ng aktres.
Credit: @kissesdelavin Instagram
Sa matagumpay na pagbida ni Kisses sa pangalawang challenge ng Miss Universe Philippines ay marami ang umaasa na gagalingan niya ulit sa mga susunod na challenges at aktwal na competition. Sa kanyang journey ay todo naman ang suporta ng kanyang fans mga at supporters at nangako na hindi siya kailanman iiwan.