Kisses Delavin, nakapasok sa Top 75 ng Miss Universe Philippines 2021 pageant!

Niyanig ng batang aktres na si Kisses Delavin ang social media nang kumalat ang balitang sasali siya sa Miss Universe Philippines.
Credit: @kissesdelavin Instagram
Nagsimulang makilala si Kisses nang sumali siya sa isang reality program na “Pinoy Big Brother”. Inidolo siya ng karamihan lalo na ng mga kabataan dahil sa ka-inosentehan at kabaitan niya on at off cam man.
Credit: @kissesdelavin Instagram
22 taong gulang pa lamang si Kisses pero napakarami na niyang napagtagumpayan sa buhay. Maayos din ang kanyang karera bilang isang aktres at ngayon ay isa sa mga sikat na aktres na kinikilala sa industriya.
Lingid man sa kaalaman ng karamihan pero bago pa man sumali si Kisses sa PBB at nagsimulang makita sa telebisyon habang umaarte ay nakasanayan na ng aktres ang pagsali sa mga pageant.
Credit: @kissesdelavin Instagram
Maaalala sa mga nakaraang interview ni Kisses na pangarap umano niyang maging isang beauty queen. Sa katunayan ay naiuwi niya ang titulong Miss Teen Masbate 2013 at Miss Kaogma noong 2016.
“Ever since I was a little kid, nag-start ako mag-join ng beauty pageant. When I was three years old, nag-bikini na ako. So, it has always been my passion,” sabi ni Kisses sa nakaraang panayam.
Credit: @kissesdelavin Instagram
Nabanggit din ni Kisses na minsan na siyang nakatanggap ng offer na sumali ng Miss World Philippines pero tinanggihan niya ito.
Miyerkules, Hulyo 21 nang opisyal na inanunsyo na isa si Kisses sa napiling Top 100 na sasali sa Miss Universe Philippines. Marami naman ang natuwa sa balitang iyon dahilan para pangakuan si Kisses ng kanyang fans na hindi siya iiwan sa kabuuan ng kanyang journey.
Credit: @kissesdelavin Instagram
Matapos ang ilang buwang pananahimik sa social media ay nagparamdam muli si Kisses sa Instagram. Nagbahagi siya ng maikling video kung saan ay ipinakita niya ang kanyang pasarela.
“Hello Universe! Life updates: 1) I’ll get to enjoy the small joys in life like heels and pretty dresses again at the Miss Universe Philippines! 😍💖 2) God gave me puppies! Coffee, Sugar, and Cookie 🥰,” pahayag ni Kisses.
Malaki rin ang pasasalamat niya sa kanyang fans dahil sa pagmamahal at walang-sawang suporta ng mga ito.
Credit: @kissesdelavin Instagram
“Salamat po Kissables and pageant fans and Filipinos sa lahat ng pagmamahal at pagsuporta! Samahan niyo po ako sa journey ko sa #MissUniversePhilippines! 👑💖💖💖”
Kamakailan lang ay napabalita ang pagpasok ni Kisses sa Top 75 ng pageant kung saan ay kasama rin niyang nakapasok ang ilang mga paboritong kandidata na sila Maureen Wroblewitz, ang kauna-unahang Pinay na nanalo sa “Asia’s Next Top Model”, Miss Supranational 2018 first runner-up na si Katrina Dimaranan, at marami pang iba.