Kitty Duterte, kaliwa’t kanan ang natatanggap na papuri dahil sa magandang transformation ng kanyang mukha!

Kitty Duterte, kaliwa’t kanan ang natatanggap na papuri dahil sa magandang transformation ng kanyang mukha!

Mula sa pagiging kawaii, sobrang laki ng pagbabago ni Kitty Duterte ngayon dahil sa magandang transformation ng kanyang mukha ay mas dalaga-looking at alluring talaga siya!

Credit: @veronicaduterte Instagram

Kahit na’y bumaba na sa kanyang puwesto bilang pangul0 ng Pinas si Rodrigo Duterte ay patuloy pa rin na sinusubaybayan ng karamihan ang kanyang pamilya, lalong-lalo na si Kitty na anak niya sa partner na si Cielito “Honeylet” Avanceña.

Noon pa man, marami na talaga ang nakatutok sa bunsong anak ng dating pangulo pero sa pagpapanatili niyang ipribado ang kanyang personal buhay, konting update lamang ang nakukuha ng karamihan mula kay Kitty pero ngayong 18 anyos na, tila’y unti-unti nang ini-expose ng dalaga ang sarili sa publiko.

Hindi masyadong active sa social media si Kitty pero updated pa rin ang publiko sa iilang kaganapan ng kanyang buhay dahil sa mga larawang ibinabahagi ng kanyang mga kakilala katulad na lamang ng pagkakaroon niya ng major na transformation sa kanyang mukha na kasalukuyang pinag-uusapan ng netizens.

Credit: @veronicaduterte Instagram

Sa mga larawang ibinahagi ng Mindanao Basket sa Facebook noong Lunes, January 30 ay makikitang hindi lamang katawan ang nag-mature kay Kitty dahil agaw-pansin din ang malaking pagbabago sa kanyang mukha at ito ay ang pagtangos ng kanyang ilong na mas lalong nagpaganda sa kanya.

Sa major niyang transformation, halos hindi talaga siya nakilala ng netizens dahil ang noo’y cute at adorable na si Kitty, sobrang dalaga-looking lang naman ngayon!

Credit: @veronicaduterte Instagram

Bagama’t sobrang laki man ng kanyang transformation, mababakas pa rin kay Kitty ang namana niyang qualities sa buong angkan ng mga Duterte dahil sa aura lamang niya, ramdam na ramdam na talagang may maganda siyang kinabukasan sa mundo ng politika dahil sa outfit na suot niya nang bumisita sa Mindanao Basket ay mapagkakamalan lang naman siyang millenial na mayora.

Sa transformation na ito ni Kitty Duterte, kaagad siyang dinagsa ng magagandang komento at papuri mula sa netizens dahil hindi naman kasi maipagkakailang sobrang bagay sa kanya ang pagbabagong ginawa niya sa kanyang mukha.

Ysha Red

error: Content is protected !!