Komedyanteng si Jo Koy, sobrang excited na ibahagi ang kulturang Pinoy sa pagbibidahang pelikula na “Seven Sundays”

Komedyanteng si Jo Koy, sobrang excited na ibahagi ang kulturang Pinoy sa pagbibidahang pelikula na “Seven Sundays”

Bagama’t kilala man ang mga Pinoy sa iba’t-ibang larangan, hindi pa rin lubos na alam ng ibang bansa ang ipinagmamalaki nating kultura na talaga namang sobrang unique kumpara sa iba. Sa pelikulang “Seven Sundays” na ipapalabas internationally, muli na namang maha-highlight ang kuwento at tradition ng pamilyang Pinoy na pagbibidahan lang naman ng komedyanteng si Joseph Glenn Herbert o si “Jo Koy”.

Credit: @jokoy Instagram

Hindi na lamang sa studios dito sa Pilipinas maririnig ang relatable na attitude ng mga nanay at mga Pinoy kuwento na baon ng Filipino-American na stand-up comedian na si Jo Koy dahil sa kanyang pagbibidahang pelikula na “Seven Sundays” na inaasahang ipapalabas ngayong buwan ng Agosto sa international na screen, mas magkakaroon pa siya ng malaking audience na paniguradong matutuwa sa kulturang Pinoy na siyang sentro ng kabuuang kuwento ng pelikula.

Credit: @jokoy Instagram

Dahil sa content at mga kuwentong inilalahad ni Jo Koy sa bawat show niya, naagaw niya ang atensyon ng award-winning director at producer na si Steven Spielberg. Marahil ay naaliw sa shows ng komedyante, siya pa mismo ang nagpatawag ng meeting kay Jo Koy upang gawan siya ng pelikula.

“When Steven watched my special on Netflix, he related to it. He understood my mother so it’s not specific for Filipino, and that’s the important thing. We’re able to tell our stories and everyone gets to relate,” kuwento ni Jo Koy sa interview kasama ang TV Patrol.

Credit: @jokoy Instagram

Dagdag pa ng komedyante, “That’s what I’m most proud of. These values, our culture with the world.”

Dahil sa kanyang excitement, ibinahagi rin ni Jo Koy ang iilang highlight sa inaabangan nating pelikula.

“The day in the life of a Filipino family. The chaos, the love, the fun. It happens in one day, Easter Sunday,” pagbabahagi niya.

Mapapansin naman sa reaksyon ng komedyante habang nasa interview kung gaano siya ka-excited na maibahagi ang kuwento, tradisyon, at kultura ng mga Pinoy.

Credit: @jokoy Instagram

Sa trailer ng “Seven Sundays” na inilabas sa Youtube nito lamang May 5, mapapansin ang iilang Pinoy trademarks katulad na lamang ng pagpapadala ng balikbayan box sa mga kamag-anak, mga pagkaing Pinoy, videoke, at ang Pinoy pride na si Manny Pacquiao.

Dahil sa promising na trailer, marami ngayon sa netizens ang sobrang excited nang mapanood ang “Seven Sundays” sa big screen lalo na’t muli na namang maha-highlight ang kuwentong Pinoy.

Ysha Red

error: Content is protected !!