Komedyanteng si Pokwang, isa nang Kapuso at masayang winelcome sa kanyang bagong tahanan sa showbiz

Sa industriya ng showbiz ay maraming kilalang komedyante at eskperto sa pagpapatawa. Dahil sa kanila ay mas nabibigyang buhay at napupuno ng tawa ang isang pelikula o TV program. Nagdudulot din sila ng hindi matutumbasang katatawanan na nakatutulong sa pagpapawi ng kalungkutan at pagod na nadarama ng kanilang mga kasamahan sa trabaho.
Credit: @itspokwang27 Instagram
Isa na lamang dito si Pokwang, isang batikang komedyante at aktres na kilala ng karamihan. Marami na siyang napatuwa at napatatawa kaya siya itinuturing na isa sa mga maningning na bituin sa mundo ng showbiz. Wala namang kakupas-kupas ang kasikatan ni Pokwang mula noon hanggang ngayon at nananatili ang kanyang impluwenysa kahit marami mang nagbago sa industriyang kinapalolooban.
Credit: @itspokwang27 Instagram
Kamakailan lamang ay isa nang opisyal na Kapuso si Pokwang nang pumirma ito ng kontrata sa GMA at pormal nang maging Kapuso comedian. Hindi naman napigilan ni Pokwang ang pagiging emosyonal sa oportunidad na kanyang natanggap. Nagpasalamat din ang sikat na komedyante sa GMA Network at pati sa kanyang mga boss dahil sa pagtitiwala nila sa kanyang kayayahan.
“Sa akin pong bagong tahanan, GMA, maraming maraming salamat po. Sa mga boss ko, thank you, boss sa tiwala po ninyo. Sa pagbukas ng pintuan niyo sa akin. Thank you, po!”
Credit: @itspokwang27 Instagram
Labis-labis naman ang naging pasasalamat ni Pokwang sa GMA na bago niya umanong tahanan dahil sa pagbubukas ng mga oportunidad sa kanya at sinabing isang malaking karangalan ang maging isang Kapuso artist.
“Ipagpapatuloy ko po iyong gusto kong gawin bilang isang artista. Salamat po sa paniniwala niyo sa akin. Isang malaking karangalan po na mapabilang ako sa tahanang ito,” dagdag ni Pokwang.
Credit: @itspokwang27 Instagram
Mas naging emosyonal at nasurpresa rin si Pokwang nang mapanood ang audio video presentation ng ilang Kapuso stars bilang pagwe-welcome sa kanya sa network. Isa na lamang sa nagpapaabot ng pagbati at mensahe ay sila Ai-Ai delas Alas Camille Prats, Rayver Cruz, at si Alden Richards.
“Hindi ko alam na ganoon pala ako kamahal ng mga tao na nakatrabaho ko na mga artista. Salamat po. Nag-uumapaw po ako sa pasasalamat,” umiiyak na sabi ni Pokwang.
Credit: @itspokwang27 Instagram
Nang nag-sign ng kontrata sa GMA Network si Pokwang ay present ang Executive Vice-President at Chief Financial Officer na si Felipe Yalong, Senior Vice-President for Entertainment Group na si Lilibeth Rasonable, Senior Assistant Vice-President for Alternative Productions na si Gigi Santiago-Lara, at iba pang mahahalagang opisyal ng GMA Network.
Dahil sa masayang paglipat ay halos wala ng pagsidlan ng tuwa si Pokwang dahil sa mga magagandang plano ng GMA para sa kanya.
“I’m very very happy at tsaka excited po ako… dahil ang dami kong nakikitang magagandang kaganapan. Excited sobra at super thankful,” sabi ni Pokwang.